a one in a hundred lifetimes moment...

38.2K 2.5K 3.7K
                                    

Kaye's POV

"Matilda!" Dali-daling lumapit si Cesia kay Matilda na kapapasok lang. "Upo! Bilis!"

"Are you drunk?" puna ko sa padaskol-daskol na paglalakad ni Matilda.

"Drunk?" Padabog siyang bumagsak sa upuan. "Drunk from my own power, that is."

Nagsimula nang ayusin ni Cesia ang buhok ni Matilda nang bigla itong humalakhak.

"You're crazy," sambit ko.

"I'm going crazy."

"Teka- asa'n na naman si Thea?!" Napasigaw sa matinding pag-aalala si Art. "Kasasabi ko lang na hindi siya pwedeng lumabas ng tent!"

"A-Andito-" Itinaas ni Thea ang kanyang kamay pagkapasok ng tent.

Narinig kong napasinghap si Cesia pagkatapos niyang makita si Thea sa salamin. "Thea!" Umikot siya. "Yung lipstick mo!"

Bumulalas ng tawa si Thea at dumako sa pinakamalapit na mesa. Inangat niya ang isang maliit na salamin sabay tingin sa sarili niya.

"Gagong Seht 'to-" Bumubulong-bulong siya. "Sabi ko kiss lang!"

"Cesia!" Padabog siyang lumapit kay Cesia. "Yung buhok ko, pakiayos ulit, please?"

I sat on the foot of the bed and closed my eyes.

"Girls-"

Iminulat ko ang aking mga mata at nakita si Ria na hindi gumagalaw habang nakakapit ang isang kamay sa kurtina ng tent.

Nang ibaba na niya ang kanyang kamay ay saka siya napasigaw, "What the fuck?!"

Galit siyang pumasok. "Thea! Why aren't you wearing your gown yet?!"

"Skirt nalang naman yung kulang, eh!" Thea hastily grabbed the long layered skirt hanging against the wooden closet. "Art! Tulungan mo nga ako rito!"

"Aurai!" sigaw ni Ria na may halong desperadong tili.

Sunod-sunod na pumasok ang napakaraming aurai. Two of them stopped in front of me and started to retouch my hair and make-up.

A wide smile drew across my lips while listening to Cesia giving commands about what to do with our dresses, hair, and make-up.

"Hey, we still have half an hour to take pictures-" Kapapasok pa nga lang ni Kara at napatigil na agad siya dahil sa kaguluhang naabutan niya.

Indeed, it was chaotic.

Hairpins and make-up brushes were thrown everywhere.

"No pictures?" tanong ni Kara.

"Let's do it after the wedding," ani Ria.

"Okay." Kara gave me a quick glance before leaving.

Tumawag si Thea ng isang aurai at pinakiusapan, "Hangga't hindi pa tayo tapos dito, huwag niyo mung papasukin yung mama ko, ah? Papagalitan ako nu'n, eh!"

"Copy!" Nagmamadaling lumabas ang aurai.

I don't know how many minutes have passed when the noise finally faded.

"All done," an aurai gave Thea one final dab on the cheek with a brush. 

Then, along with the rest of the crew, she left us in an immaculate silence.

Pagkatapos ihatid ng tingin ang mga aurai, sabay naming nilingon si Thea na nakatayo sa gitna.

"Thea!" sabay din naming sigaw.

Golden Age: Semideus SpecialsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum