my light and life, my everything...

44.9K 2.7K 7.4K
                                    

Art's POV

Dahan-dahang bumaba ang aking tingin habang inaayos ng mga aurai ang skirt ko.

'Apollo said he cannot walk you down the aisle, Art.' Naalala ko ang sinabi ni Hades sa'kin kahapon. 'Perhaps he won't be coming.'

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa bouquet.

Okay lang... nandito naman sina Seht at Mama, ih.

"Art?"

Inangat ko ang aking ulo at nakita si Cesia, dahilan na mapangiti ako nang malapad. "Cesia! Kararating mo lang?"

Tumango siya.

"Oooh-" Lumiwanag ang mga mata ko. "Kasabay mo si Tito Gab?"

Tinanguan niya ulit ako.

"Nice!" nananabik kong puna. "Hehehe- umm- I think nasa Elysium na yung iba, ih," sabi ko sa kanya. "May portal lang diyan sa labas-"

"Art," sambit niya.

Kumisap-kisap naman ako. "Hmm?"

Sa laking gulat ko, bigla niya akong niyakap.

"Cesia..." bulong ko.

"Ayokong gamitin yung ability ko para mapagaan ang pakiramdam mo," tugon niya. "Kasi gusto kong tunay na kasiyahan ang maramdaman mo sa araw na'to."

Natawa ako nang marahan. "Okie lang ako! Promise!"

"Tsaka, kasama ko naman sina Mama at twinny, ih!" dagdag ko. "Kompleto rin kayo, diba?"

Bumitaw siya at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Artemia Blaire Sol... ang araw namin."

Mahina niyang hinawakan ang pisngi ko. "Maging masaya ka, hmm?" Bahagya niyang itinagilid ang kanyang ulo. "Dahil masaya kami para sa'yo..."

"C-Cesia-" Namamasa ang mga mata ko. "Pinapaiyak mo'ko! Huhuhu!"

"Cesia."

Napalingon ako kay Trev na nakatayo sa may pintuan. Samantalang, ibinaba naman ni Cesia ang kamay niya at napabuntong-hininga.

"Panira talaga..." bulong niya.

Kinawayan ko si Trev. "Hi Trev!"

Tinanguan niya lang ako, saka bumalik ang kanyang mga mata kay Cesia na dahan-dahang napatingin sa kanya nang nakasimangot.

Nag-abot ang kilay ni Trev pagkatapos makita ang reaksyon ni Cesia. "You told me you'd only be gone for a few seconds."

"Sinusundo ka na raw, wuy!" sabi ko kay Cesia na may kasamang halakhak.

"Usap tayo mamaya?" Binigyan niya ako ng isang manamis-namis na ngiti nang harapin niya ulit ako.

"Mmm!" Tumango ako.

"Okay!" Bahagya niyang inangat ang skirt ng dress niya at nagmamadaling pinuntahan si Trev. "See you, Art!"

Lumapad ang aking ngiti at kumaway sa kanila.

"See you..." bulong ko nang tuluyan na nga silang makaalis.

Ilang sandali pa'y pumasok ang tatlong aurai.

"Ready?" tanong ng isa sa kanila.

"Hehehe..." Humagikgik ako. "Noon pa."

Inalalayan nila akong lumabas ng kwarto nang hindi nagugusot ang gown ko. Off-shoulder ito at color yellow na may white sa bandang dulo ng skirt. Maikli lang din ang veil ko kasi sobrang haba na ng skirt ko, ih! Ang bigat din kaya sa ulo ng super cute na crown na binigay ni Persephone sa'kin tapos dadagdagan ko pa ng napakahabang veil?!

Golden Age: Semideus SpecialsWhere stories live. Discover now