you, my beautiful consequence...

43.8K 2.9K 3.5K
                                    

Cesia's POV

Kinawayan ko sina Kerensa at ang ilang miyembro ng staff ng Academy. Kasama sina Heather at Kia, sinalubong nila kami ni Trev nang makarating kami sa dulo ng pasilyo.

"Oh, fuck-" Nabitawan ako ni Trev dahil sa mga lalaki na hinatak siya malapit sa may pintuan ng templo. Pinabilutan agad siya ng mga satyrs at centaurs, pati na rin ng mga nymphs at iilang deities.

Napasinghap ako nang may humila rin sa'kin.

"Congratulations!" bati sa'kin ni Bliss na may kasamang yakap.

"Congratulations..." Sumunod naman si Ira sa kanya. "-our crown."

Mabilis din akong pinaligiran ng mga bisita. Kalahati sa kanila'y namumukhaan ko, at kalahati rin sa kanila'y kinailangan ko pang gamitan ng ability para makilala.

Umikot-ikot ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman ang pinaghalong kapangyarihan ng mga mortal at imortal na patuloy ang pagdagsa sa kinaroroonan ko.

Kung kanina naiiyak ako dahil sa saya, ngayon, naiiyak na ako dahil sa dami nila.

"Hoy!" Narinig naming sigaw ni Thea dahilan na mapalingon kami sa kanya. Itinulak niya ang kanyang sarili sa gitna ng nagkukumpulang mga bisita. "May nakahain nang pagkain sa garden kaya magsialisan na kayo!"

Naghiyawan ang mga satyrs at centaurs saka nag-unahang tumakbo. Lumipad din ang iilang nymphs at umikot-ikot pa sa ibabaw namin nang humahagikgik, bago lumabas ng templo.

Inilibot ko ang aking paningin.

"Trev..." tugon ko kila Art na kalalapit lang sa'kin. "Nasa'n si Trev?"

Humigpit ang aking pagkakahawak sa bulaklak na nasa kamay ko nang gamitin ko ang kapangyarihan ko para hanapin si Trev. Pero sa huli, napangiwi lang ako sa sakit dahil sabay kong naramdaman ang bigat ng bawat presensyang nakapalibot sa'kin.

 "Ayun," ani Thea. "Inabangan ng Papa mo."

Nagkasalubong ang aking kilay. "Huh?"

"She's kidding, Cesia." Marahang ipinatong ni Kara ang kanyang kamay sa balikat ko. "Trev's with the boys."

"They're on their way to his room," sabi ni Ria. "And you should be, too, para makapagbihis ka na."

Binigyan ko sila ng nag-aalanganing ngiti. "Pwede bang kayo muna ang bahala sa mga bisita?" tugon ko. "Yung gods- tas andito rin sina-"

"Heavens!" Isang lalaki ang lumapit sa'min nang nakataas ang mga braso. Nakasuot siya ng floral suit na kumikinang sa bawat galaw niya. "Why are you all stressing out the beautiful bride?!"

"Congratulations, darling." Niyakap ako ni Dionysus, bago samaan ng tingin yung iba, pati na rin sina Ria na napasimangot.

"Everyone!" Umalingawngaw ang boses ng god sa buong templo nang kunin niya ang atensyon ng lahat. "The Muses will be performing any time now! So please proceed to the gardens for the reception!"

Isang babae ang nagtaas ng kamay niya. Suot niya ang napakahabang pastel pink dress, at nagagayakan ng mga bulaklak ang dilaw niyang buhok.

"Ngayon na ba 'yon?" tanong niya. "Like- right now?"

"Euterpe, what are you still doing here?!" ani Dionysus. "Your sisters are already assembling outside!"

"Oh!" Tinakpan niya ang kanyang bibig at marahang natawa. Bumukadkad ang mga bulaklak na nakadikit sa buhok niya nang ngitian niya kami at umaksyong may tinabig sa hangin. "Why did no one tell me?"

Golden Age: Semideus SpecialsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon