playing with fire...

38.4K 2.4K 4.3K
                                    

Thea's POV

"Thea!"

"Seht- bebeh!" Tumakbo ako kay Seht na sinalubong ako ng yakap. "Congratulations!"

Mahina akong napatili nang iangat niya ako at inikot sa platform.

"I thought you were going to be late," sabi niya nang maibaba ako.

"Pfft-" Dinuro ko ang sarili ko. "Ako? Magiging late sa initiation rites mo?" Humalakhak ako. "Imposible."

Nginitian niya ako sabay gulo ng buhok ko.

"Seht!" Kinuha ko ang kamay niya at ibinaba ito. "Isang oras kong inayos yung buhok ko tapos sisirain mo lang!"

Tumawa siya ng marahan. "Where's your mother and sister?"

Humakbang ako patagilid para ipakita sa kanya sina Mama at Arah na naglalakad papalapit sa'min.

"Congratulations, Sebastian," bati ni mama kay Seht at niyakap siya.

Pagkatapos, masigla namang tumalon si Arah para yakapin din siya. "Congrats, Kuya Seht!"

"Thank you..." Tinapik ni Seht ang likod ni Arah na nakayapos pa rin sa kanya, dahilan na tapunan ko sila ng tamad na tingin.

"Hoy!" Pinunit ko yung kapatid ko mula kay Seht. "Tama na nga 'yan! Magsisimula na yung ceremony!"

Hatak-hatak si Arah, bumaba na kami ng stage. Sinulyapan ko si Seht na nakapamulsa sa puting coat niya habang nakangiti sa'min.

Kinawayan niya ako, at napangisi naman ako nang malapad.

"Thea! Dito!" Tinawag kami ni Art at sinenyasan kaming maupo sa tatlong bakanteng upuan sa tabi niya.

Binitawan ko si Arah na agad napamukmok sa upuan niya.

"Andito na ba yung iba?" tanong ko kay Art nang makatabi sa kanya.

"Mmm." Tumango siya. "Nasa likod sila."

Umikot ako sa kinauupuan ko at nakita si Cesia na kinawayan ako. Katabi niya si Trev na napatingin din sa gawi ko.

Umangat-baba ang aking kilay kay Chase na marahang tinutulak si Ria, tila tinutukso.

Napatigil naman sa pag-uusap sina Kara at Dio. Sabay nila akong nilingon at nginitian.

Sa dulo, naroon sina Kaye at Matilda na nagbubulong-bulungan habang nagpipigil ng ngiti.

Pinaningkitan ko sila, pero mabilis na nabaling ang aking atensyon kay Cal na kararating lang at umupo sa kabilang gilid ni Art.

Nakasunod sa kanya ang isang babae na napahinto nang makita ako.

Lumiwanag ang kanyang mukha, at gano'n din ang naging reaksyon ko.

Napatayo ako. "Hello po, tita-"

Nanlaki ang aking mga mata nang bigla niya akong hinatak at niyakap nang mahigpit.

"Thea," sambit niya bago ako bitawan. "Kamusta?"

"Ah- haha..." Nahilo ako saglit sa ginawa niya. "Okay lang-"

Hindi na naman niya ako pinatapos sa pagsasalita at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Nag-enjoy ba kayo ni Sebastian sa Greece?"

Kumurap-kurap ako.

Ba't parang... may inasahan siyang mangyari sa'ming dalawa ni Seht sa Greece...

"Di naman kasi ako kinuwentuhan ni Sebastian kung anong nangyari." Binaba niya ang kanyang mga kamay. Sumingkit ang kanyang mga mata sabay nguso. "Gusto ko lang naman malaman kung-"

Golden Age: Semideus SpecialsWhere stories live. Discover now