the scion and the rose...

42.6K 3.1K 6.3K
                                    


our memories...


Cesia's POV

"Hello, princess," bati ni Papa sa'kin nang salubungin ako sa gitna. Kasunod niyang inangat ang kanyang braso. "Let's not keep your prince waiting."

"Pa," natatawa kong sambit sabay hawak sa kanya.

Ipinatong niya ang kanyang palad sa kamay ko. "Abigail," bulong niya. "Masaya ka ba?"

"Papa." Nginitian ko siya. "Alam kong nasabi ko na sa'yo 'to... pero salamat," saad ko. "Kung hindi dahil sa'yo, hindi ako makakaramdam ng ganitong kaligayahan."

Marahan niyang pinisil ang kamay ko at tinapik-tapik ito. "I promised myself not to shed a tear while walking you down the aisle, Cesia. Huwag mo namang pahirapan ang tatay mo."

Niyakap ko ang braso niya at sumandal sa balikat niya. "Mahal na mahal kita."

'I love you both, my heart and my love.'

Umayos ako sa pagkakatayo pagkatapos marinig ang boses ni Aphrodite sa aking isipan. At mukhang hindi lang ako ang nakarinig nito dahil sabay kaming napatingin ni Papa sa goddess na kapupunas lang ng kanyang luha gamit ang puting panyo.

Mula kay Aphrodite, dahan-dahang bumaba ang aking tingin pagkatapos akong makarinig ng isang mahinang himig.

Nakakagaan sa loob ang kabagalan nito, at ramdam ko ang idinulot nitong kaginhawaan hindi lang sa akin, kundi sa'ming lahat.

Inangat ko ang aking ulo at sinalubong ang tingin ng lalaking nakatayo sa kabilang dulo ng pasilyo.

Mabagal niyang pinatakbo ang kanyang mga mata mula sa aking ulo, hanggang sa aking paa. Bahagyang bumukas ang kanyang bibig, bago muling nag-abot ang aming tingin.

"Son of Zeus..." bulong ko.

Nakita ko kung paano siya humugot ng malalim na hininga, saka bumulong pabalik.

"Daughter of Aphrodite."

Unti-unting lumiwanag ang aking mga mata nang mamuo ang isang malambot na ngiti sa kanyang labi.

Madahan akong napasinghap, kasabay yung iba.

Isang mahinang hatak ang gumising sa'kin mula sa pagkamangha. Nilingon ko si Papa na sinenyasan akong gumalaw.

Itinaas ko ang aking noo at hinanda ang sarili ko, nang bigla akong manghina pagkatapos masilayan ulit ang ngiti ni Trev na hindi pa rin nabubura hanggang ngayon.

Nanggigilid ang aking mga luha nang ngitian siya.

Sa mga sandaling ito, gusto kong tumakbo sa kanya, kagaya ng ginawa ko noon, sa ibang panahon...

Gusto kong salubungin niya ako ng isang mahigpit na yakap, na parang wala nang kinabukasan...

At sa aking unang hakbang papalapit sa kanya, kusang nagbago ang kulay ng aking mga mata.

Lumamig ang sahig nang lumitaw ang ulap sa aking paanan, at mabilis itong kumalat, hanggang sa tuluyan ko na nga kaming ipasok sa loob ng sarili kong domain, kung saan sunod-sunod na lumitaw ang aking mga ala-ala kasama siya.

Inilibot ko ang aking paningin, at naluha sa bawat sandaling nakausap ko siya, nahawakan, nangitian...

Noong hinawakan niya ang kamay ko, at dinala ako sa gitna ng unos, para ipakita sa'kin kung bakit hindi ako dapat matakot dito...

Golden Age: Semideus SpecialsWhere stories live. Discover now