the certain in uncertainty...

38.3K 2.5K 1.4K
                                    

Dio's POV

I adjusted my grip on the handle of the train.

'A few years from now, we should come back here...'

A lifetime. It took us a lifetime to finally come back to Athens.

Tinignan ko ang suot kong relo at napangiti.

I'm on my way to the Plaza, just hours after we landed in Greece... and it's already past midnight.

I lifted my gaze and looked at my reflection on the window across me.

Hindi ako kinakabahan. Hindi ako takot. Masaya lang ako.

Sino bang hindi? Simula nang mapagtanto kong nahulog na nang buo ang loob ko sa kanya, hinanda ko na ang sarili ko para sa gabing ito.

Dinamdam ko ang maliit na kahon na nasa bulsa ng coat ko.

It's here.

I'm here.

But is she?

I didn't leave any letter or texted her or anything, because I know I don't have to. I just wish she didn't get too tired from the long flight, or else she has not noticed me disappear. Then I might just have to postpone proposing.

Huminto na sa pagtakbo ang tren. Pagkaapak ko sa platform, saka lang ako nakaramdam ng kaba.

Napahawak ako sa dibdib ko.

Don't get me wrong but I'm not nervous because I'm about to propose. Instead, I'm getting anxious of what our marriage will turn out like.

Nagsimula na akong maglakad papalabas ng station habang nakapamulsa.

Kara and I... we have our differences, and sometimes, these differences get the best of us.

I'm worried.

What if she gets exhausted?

I stopped walking after sighting the fountain in the middle of the plaza.

'Because, Kara, on this exact same spot, is where I'm going to ask you to marry me.'

Inilabas ko ang pulang kahon mula sa bulsa ko at napatingin dito.

"A different time..." I whispered and tightened my fingers around it. "But under the same sky..."

Tumingala ako sa mga bituin at sa buwan na bahagyang nakasilip mula sa likod ng mga ulap.

Pinikit ko ang aking mga mata nang maalala ko ang panahon noong ginamit ako ni Eris na saktan siya. Isang malaking pagsisisi. Isang pangyayari na alam kong hindi ko maiwasan, ngunit pinilit ko pa ring iwasan.

Kaya sa huli...

Itinuring ko itong pagkakamali ko, at lubos na sinisi ang sarili ko.

"Hmm." Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.

Kahit anong paghahanda ang gawin ko, hinding-hindi ako maging handa pagdating sa kanya. Ilang taon ko na siyang kilala, ilang beses nang nakita, ngunit sa bawat pagdapo ng aking mga mata sa kanya, nababaguhan pa rin ako sa nararamdaman ko.

Muli akong napangiti habang nakatuon sa kalangitan.

Who was I to say I didn't deserve her?

No one deserves someone like her.

But I was wrong, when I couldn't see that she chose me.

As imperfect as I am, she chose to love me. She saw me in ways I couldn't. She made me believe not in love at first sight, but in love at every sight, every glance we gave to each other.

Golden Age: Semideus SpecialsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora