Chapter 18: Regular Students

104 13 0
                                    

It's been a week since we were officially declared as a Prime member. Pero hanggang ngayon ay panaka-nakang pagdalaw ng zombie sa panaginip ko ang nararanasan ko.

"Raya, pinapatawag ka ni Sir sa office niya." Biglang sumulpot si Summer kasama ang kakambal nitong si Winter.

Kung gaano ka-ingay at ka-daldal si Summer ay siya namang ikinatahimik at hindi palakibo ni Winter.

Sabay silang lumabas ng kwarto ko habang ako naman ay inayos ko muna ang mga kalat ko sa kwarto bago puntahan si Sir.

Nahimatay ako nung malapit na kaming makalabas ng building at limang oras akong tulog matapos non. Kung wala nga si Naomi ay baka isang araw daw akong tulog. Ilang percent nalang ang natitira sa ability level ko bago ako bumagsak non.

Sa loob rin ng isang linggo ay hindi nila ako pinalabas ng Prime building. Kailangan ko kasing mag-remidiate para makahabol sa lahat ng lesson ng Prime at para na rin makasali na ako sa physical training nila. Bukod sa hindi nila ako pinapalabas ay captured din ang cellphone ko. Pinagpaalam naman na daw ako sa pamilya ko na hindi muna nila ako mako-contact dahil sa mga lesson na kailangan kong pag-aralan. Naintindihan naman iyon ni Daddy kaya sa palagay ko ay ayos lang sa kanya. Tinulak niya ako rito, eh.

Sa mga unang dalawang araw ng paghahabol ko ng lessons ay naging tutor ko si Blaise sa specialized subject ng mga STEM students. Hindi ko lubos akalaing matalino pala talaga ang tukmol na yon. Madali kong natutunan ang mga pinagsasabi niya dahil bukod sa hindi malalim ang mga terms na ginagamit niya ay tinutulungan niya ako pa ako ng mga technique kung paano masasaulo ang mga key words at para hindi madaling malito.

Sa sumunod na tatlong araw naman ay si Naomi at Charrine ang nakasama ko. May history book silang ibinigay sa akin as a guideline. Pinaliwanag nila kung ano ang dead minute, shadow eater, dimension balance, at iba pang mga bagay na may connect sa mga may ability'ng tulad namin.

Ang dead minute, iyon ang panahon kung saan tumitigil ang oras at nawawalan ng kulay ang mga bagay sa paligid.

Nangyayari ang dead minute tuwing may mga shadow eater na nakakapasok sa dimension balance at sinasamantalang pumatay ng mga mortal na tao para magpalakas. Ang dimension balance ay nagsisilbing separator ng mortal at immortal world. Doon rin ang tanging lugar kung saan kaming mga may ability lang ang nakakagalaw.

Ang mga shadow eater naman ay mga immortal na naghahangad ng mas malakas na kapangyarihan. At dahil sa kagustuhan nilang iyon ay pumapatay sila ng mga mortal bilang kanilang prey at maging source of energy nila.

Hindi nagtatagumpay sa pagpasok sa mortal world ang mga shadow eater dahil sa mga katulad naming may mga ability. Sila-sila ang nagtutulong-tulong para maiwasan ang mga pagpatay sa mga tao at iwasan na malaman ng iba kung ano kami.

Kaming mga may ability ay ginagamitan ng blue coin hindi para lang sa mga energy percentage at ability kundi para na rin i-conseal ang paglabas ng ability namin. Mabilis daw kasing maramdaman ang ability namin lalo na kapag malakas ang nangmamay-ari nito.

Ilan lang iyon sa mga itinuro nila, ang iba raw kase ay maipapaliwanag lang nila kapag naranasan ko na.

Ang dalawang araw naman na natira ay dapat tuturuan kami ni Kreed about sa mga ang weapon na nasa gym room ng Prime building pero nag-iba ang schedule dahil may iba pa raw gagawin si Reeve at may mission pang tatapusin si Kreed kasama sila Montrey, Summer, Winter at Vanessa.

Ang natira ko nalang tuloy na ginawa sa dalawang araw na natira ay pakinggan ang mga lame na jokes ni Blaise at Javin sa isa't-isa at dinamay pa kami ni Naomi. Buti nalang din na hindi na dumagdag si Zypher kundi mababaliw akong kasama sila.

Her Hidden AbilityWhere stories live. Discover now