Chapter 17: Another Obstacle

77 13 1
                                    

"Anong gagawin natin?!" Nagpa-panic kong tanong kay Reeve.

Nang lumingon ako sa kanya ay paalis na siya at balak na ata akong iwanan! The audacity! Di man lang ako tinawag! Chos.

"T-Teka! Iiwan mo'ko?!"

Humabol ako sa kanya.

Nasa rooftop kami ng tumubong building at hindi ko alam kung ano ang itsura ng istrakrura mula sa loob at harap nito. Sahig lang sa rooftop na nangingitim ang nakikita ko.

"Reeve!!!"

Tawag ko dahil akma niyang bubuksan ang isang pintuan na sa palagay ko ay yon ang daan paloob ng building.

"Ano ba?!" Singhal niya nang humarang ako sa pinto.

"S-Sabi ni Blaise m-may mga kung ano ano ang nasa loob..."

"Eh ano naman?!" Galit na tanong niya.

Ba't ba galit tong si Reeve. Kasalanan ko ba naiwanan kami rito?! Di naman, diba?! Ampanget ng ugali...

Pero kahit gusto ko rin siyang awayin ay hindi ko magawa. Dapat tulungan niya ako.

'I mean, tulungan.'

Paano kung pati siya nagalit? I mean, oo galit na nga siya lagi pero paano kung galit na galit siya? Ano nalang mangyayari sakin dito?

Sa totoo lang ay may naisip na akong clue kung anong pwedeng bagay ang nasa loob ng building dahil parang pamilyar sa akin ang buong setting. Parang kinuha sa online game.

"H-Hindi ka ba pamilyar sa left 4 dead na laro? Paano kung ganon ang theme nila rito?! Paano kung may boomer na nakakalat sa building o kaya naman yung charger na character na manghahagis tapos nambabalibag? O kaya naman yung mas malala... y-yung tank! Pano kung may lumitaw na tank tapos ihagis tayo sa bintana tapos ma---"

"Tapos puputulin ko yang dila mo?"

Natahimik ako nang tutukan ako ni Reeve ng patalim mismo sa bibig ko. Umatras ang dila ko habang nakatitig pa rin ako sa patalim na nasa harapan ko.

Hindi pa man ako nakaka-react ay agad niyang binaba ang kutsilyo at kinuha niya ang kamay ko para ilagay yon doon.

"S-Saan mo nakuha 'to?" Kinakabahang tanong ko.

Wala naman kasing nakakalat na gamit rito.

"Kinuha ko sa training room," walang ganang sagot niya.

"Eh, bakit mo kinuha?"

"Kasi gusto ko." Pabalang niyang sagot.

'Siraulo din talaga tong tao na 'to, noh? '

Pagkatapos ay bumuntong hininga siya na para bang naisip niya bigla na di naman siya required mag-explain sa'kin.

"E-Eh bakit mo binibigay 'to sakin?" Takang tanong ko.

"Ayokong sumabit-sabit ka sa'kin. Kaya ayan, kaya mo ng ipagtanggol ang sarili mo. Bahala ka na." Nilagpasan niya ako at bahagyang tinulak dahil nga nakaharang ako sa pinto.

Napanganga nalang ako sa sinabi niya.

Kutsilyo?! Hindi ko alam kung paano ko gagamitin 'to 'no!

"P-Pwede namang pag-usapan natin 'to! T-Tutulungan kita tapos tulungan mo rin ako," sumunod ako sa kanya nang pumasok na siya sa loob ng building. "Kumbaga, teamwork! Parehas tayong makakalabas. Hindi naman competition 'to, diba?"

Hindi niya ako pinansin.

May hagdanan pababa at dire-diretso lang ang lalaking kasama ko. Halatang hindi siya bothered sa mga bagay na pwedeng mangyari sa loob.

Her Hidden AbilityWhere stories live. Discover now