Chapter 10: Prime's Secret

85 15 0
                                    

"Ma'am, hindi ito ang dinistribute ng Prime Class sa mga teachers," seryosong saad ni Sir.

Halatang may pagdududa sa mga mata ni sir. Naghihinala siya ng kung ano.

"Sir, ito ang inabot sa akin," inis na saad ni ma'am.

Hindi ko mabasa ang reaksyon niya dahil paiba-iba ang nakikita kong emosyon na lumalabas sa mukha niya.

May inis? May guilt? May pagka-deffensive? Or may part na totoo ang sinasabi niya?

"Anong meron?" Napalingon ako sa biglang bumulong sa akin.

Si Paul.

"Ano ba?!" Mahinang singhal ko.

Tumawa siya nang mahina.

"Sorry," tumatawa niyang saad. "Anong meron?" Tanong niya.

"May pamemekeng naganap," sabat ni Zesha.

"Hindi pa naman sigurado," bulong rin ni Freya.

Napalingon ako sa likod ni Paul. Nandoon si Reeve na mukhang wala pa ring pake.

"Kasama mo?" Bulong ko kay Paul.

"Siya niyaya ko kasi hindi ko kayo mahagilap," bulong niya.

"Buti pumayag," bulong ko.

"Magaling ako mag-sales talk eh," mayabang niyang saad.

"Kreed," tawag ni sir sa kung sino.

Narinig ko na ang pangalang iyon pero hindi ko lang alam kung saan. Dahil sa curious ako ay sinilip ko ang taong iyon.

Naaalala ko kung saan ko siya unang nakita. Siya yung President ng Prime. Pero alam kong hindi lang ito ang pangalawa naming pagkikita.

Minsan ko na siyang nakita sa library pero hindi ko maalala kung kailan.

"Crush mo?" Biglang tanong ni Paul.

"Oo, bakit?" Mayabang na pagsisinungaling ko.

'Kreed...? Saan ko pa ba narinig ang pangalan niya maliban rito sa school?'

"Sir," boses iyon noong Kreed.

Narinig ko na ang boses niya noong sinita niya kami sa harap ng principals office. Maliban don, alam kong may isa pa.

"Nasaan yung ibang copies ng idinistribute natin?" Tanong ni Sir Nics at nilahad ang kamay.

Inabot naman ng Kreed iyon.

Pinanood namin silang mag-compare hanggang magulat nalang ako dahil binanggit nila ang buong pangalan ko.

"Grace Tanya Valencia, ma'am." Yun yung sabi ni sir Nicolo."Hindi Peñaflor," madiing dagdag niya.

Nagulat na naman ako dahil hinampas pa ako ni Zesha.

"Ikaw raw!" Tili niya.

Napalingon sa akin ang mga naroon. Pero hindi ako nakakibo.

"P-pero nakapag-review na ako!" Sigaw ni Janice.

"Kaya nga po, Sir!" Sabat naman ni Althea. "Bakit niyo papayagang mag-exam ang taong wala namang chance na makapasa!" Dagdag niya.

"Bakit naman mage-exam ang hindi naman kasali sa listahan?" Mataray na sabat ni Zesha.

"Insulting others won't make you superior, miss." Sabad naman ni Kreed dahilan para mapalingon kaming lahat sa kanya. Napaka sudden ng pakikialam niya. "Malay mo ikaw pa ang magkaroon ng pinakamababang score sa exam na ite-take," dagdag niya.

"Hindi porket naka-review ka eh meaning, papasa ka na." Sabat naman ng isang estudyanteng dumating.

"I agree," sabi naman ni Freya na may malaki na ring nakangiti tulad ni Zesha na hindi ko alam kung bakit.

Her Hidden AbilityWhere stories live. Discover now