Chapter 8: Selected List

74 14 0
                                    

"Nabalitaan niyo na ba?" Nagulat ako dahil biglang sumiksik ang pagmumukha ni Paul sa gitna namin ni Zesha.

"Ano ba," singhal ko at tinulak ang mukha niya.

Muntik ko kasing ma-kiss noong lumingon ako.

"Kadiri ka, Paul!" Inis rin na sabi ni Zesha at pinunasan ang pisngi.

"Hindi niyo alam?" Pambabalewala niya sa singhal namin.

"Yung?" Taas kilay na tanong ni Zesha habang masama ang tingin sa seatmate kong feeling close.

"So, hindi niyo nga alam?" Pag-uulit ni Paul.

Sa inis ko ay basta ko nalang siyang kinurot sa tagiliran. Napangiwi siya at halatang nasaktan talaga.

"Ano ba kasi talaga ang sinasabi mo?" Singhal ko.

"Masakit yon gago!" Reklamo niya pero nagulat nalang siya nang si Zesha naman ang kumurot.

"Direct to the point kasi!" Singhal niya.

"Ako na nga magbabalita sa inyo pero nananakit pa kayo!" Singhal ni Paul.

"Huwag ka kasing pabitin," inis na sagot ni Zesha.

Wala si Freya ngayon dahil kailangan niya pang mag-check ng papers dahil nautusan na naman siya ni ma'am. Plastik nga ang babaeng iyon kay ma'am, eh. Nakangiti lang kapag nakaharap si maam pero naka-simangot kapag umaalis na.

"Ayoko ng sabihin dahil nananakit kayo!" Singhal ni Paul.

Nagiging pa-importante na naman ang gago.

"Aish! Lumayas ka na nga, Paul! Wala namang silbi yang sasabihin mo!" Inis kong singhal.

"Kahit pa tungkol sa Prime?" Tanong niya.

"Kahit pa sa Prime na yan," tumatangong saad ko. "Diba, Zesha?" Baling ko kay Zesha na nasa tabi ko lang kanina.

Wala na siya sa tabi ko!

"Bakit nandiyan ka?!" Gulat kong hinila si Zesha patayo dahil nasa sahig siya at pinupunasan na ang sapatos ni Paul.

"Prime daw, gurl!" Patiling sagot ni Zesha.

"So?"

"Ano ka ba! Alam mo namang bebe ko ang mga boys na nandon!" Sagot niya.

Napangiwi ako. Kung nandito lang si Freya ay isa pa iyong makikitili kay Zesha.

"Ano ba yang tungkol sa Prime na yan?" Bugnutin kong tanong.

Tila lalo akong hindi naging komportable sa pagbanggit palang ng tawag sa kanila. Natatakot na rin akong lumapit sa kanila. Simula ng gabing iyon ay lagi na akong nababangungot. Nararamdaman ko rin na laging may nakatingin sa akin.

'Weird.'

Hindi ako sigurado kung totoo ba ang nangyari nang gabing iyon.

"Magkakaroon daw ng Prime Selection!" Tuwang-tuwang balita ni Paul.

Tumili si Zesha.

"Hoy! Tumigil ka nga! Hindi ka naman sure kung makakasali ka pa rin don!" Singhal ko kay Zesha.

"Paano nila gagawin ang Prime Selection?"interesadong tanong ni Zesha. Hindi ako pinansin.

Minsan lang magkaroon ng Prime Selection. Hindi ito nagaganap taon-taon. Sa ilang taon ko ng nag-aaral rito sa Academy ay tatlong beses ko palang nakita ang pagkakaroon ng Prime Selection.

Sa tatlong iyon ay iba-iba ang paraan nila ng paggawa ng events. Noong nasa 3rd grade ako ay nagkaroon quiz bee sa mga piling estudyante lang. Noong sa pangalawa ay nasa 7th grade pa ako, doon ay nagkaroon ng maze of knowledge kung saan gumawa ng maze sa buong field at sa loob ng maze ay mga nakakalat na students para magbigay ng mga tanong sa mga pumasok roon. Ang last naman ay last year lang naganap kung saan grade 10 ako. Nagkaroon ng agility test kung saan maraming nakapasok na estudyante at karamihan ay nasa 11th and 12th grade na rin ngayon.

Her Hidden AbilityWhere stories live. Discover now