Chapter 16: Ability Coin

92 16 1
                                    

"KASALANAN MO kasi!" Singhal ko kay Blaise.

Pareho kaming nakaluhod sa sahig at parehas ding nakataas ang dalawang kamay sa ere.

"Yang kamay!" Sigaw ni Kreed nang bahagya kong ipahinga ang kamay ko.

Padabog ko tuloy siyang sinunod.

'Nakakangalay! Mas ayos pa sa akin na pagsulatin ako ni Daddy ng kahit sampo pang back to back na reflection paper!'

"Dapat kasali ka!" Singhal ko kay Kreed.

"Bakit?" Taas kilay na tanong ni Sir Nics na nagbabantay rin.

"Nakikisali siya kanina, Sir." Sagot ko.

"Tapos hindi niya pinigilan si Raya kanina, Sir. Hinayaan niya lang na masabunutan ako," sumbong rin ni Blaise.

Sinamaan ko si Blaise ng tingin.

'Kasalanan ko pa?!'

"Sumali ka sa kanila, Kreed." Utos ni Sir.

Natuwa naman ako.

Syempre damay-damay na to.

"Sir, tinulak niya ako!" Reklamo ni Kreed.

"Kasalanan ko?" Pamimilosopo ni Sir.

Nginisian ko si Kreed na lumuhod rin sa left side ko at nagtaas rin ng kamay.

"Plus 10 minutes ang parusa sa'yo, Raya." Striktong sabi ni Sir.

Napangiwi ako.

"Andaya," singhal ko pang bulong.

"May pupuntahan ako saglit. Huwag kayong magi-iba ng posisyon," sabi ni Sir.

Walang sumagot sa aming tatlo hanggang umalis si Sir.

"Quota na ako ngayong araw," sabi ko at tumayo agad.

'I had enough with these parusa's'.

Pinagpag ko pa ang tuhod ko na namumula na.

"Lagot ka," sabi bigla ni Blaise.

"Hayaan mo siya," sabat naman ni Kreed.

"Kaninang umaga pa ako, kakapagod." Sabi ko at humikab pa.

Nagulat ako dahil biglang pumasok si Sir Nics kaya agad akong lumuhod at nagtaas ng kamay.

"Huhuhu, Sir," nagmamakaawang saad ko.

"Plus 10 minutes," sagot niya.

Nagtaka ako dahil nakasunod rin sa kanya ang iba sa Prime.

"Kayo rin, gawin niyo yung ginagawa nila," utos niya sa kanila Zypher, Summer, at Winter.

"Sir, kasali si Javin!" Naiiyak na sabi ni Summer.

"Madaya! Nadamay na naman ako!" Singhal ni Winter.

"Sir! Ang daya naman!" Singhal ni Zypher. "Kanina pinahila na ni Kreed sa akin yung gulong na hinihila ni Raya!" Reklamo niya pa.

"So, sinasabi mong dapat nandito si Kreed?" Tanong ni Sir.

"Mismo!" Sagot niya.

"Sige, tabihan mo ron." Sabi ni Sir at tinuro si Kreed.

Hindi niya nakita si Kreed na nasa tabi ko dahil halos matakpan siya ng halaman.

"Uyy! Nice!" Tuwang sabi ni Zypher.

"Plus 10 minutes rin sa'yo Kreed." Utos ni Sir.

Hindi naman nagreklamo si Kreed. Bat ganon siya? Batak na batak tong mga 'to ah.

Her Hidden AbilityWhere stories live. Discover now