Chapter 3: Before The Accident

107 15 0
                                    

TAHIMIK akong nakatingin sa white board ng classroom namin. Kasalukuyang nagle-lecture ang teacher namin sa oral communication.

"May naiintindihan ka ba?" Bulong ni Paul na siyang bago kong seatmate slash cheatmate.

Nagbago na ang seating arrangement namin dahil umingay daw kami 1 week after ng pasukan. Napunta ako sa gitnang row at gitnang column katabi si Paul at isa pa naming kaklase na matalino. Nasa gitna nila ako at ginagawa nila akong tagapasa ng sagot sa kanilang dalawa. Most of the time lang talaga ay kami ni Paul ang ambagan ng sagot.

Isang linggo na akong binabagabag ng kung ano anong nangyayari sa sarili ko. Madalas kasi ang pagno-nosebleed ko na ako rin lang naman ang nakakakita ng dugo.

Ngumiwi ako at umiling bilang sagot kay Paul.

May iba akong iniisip eh.

"May quiz daw mamaya. Makinig ka naman." Bulong niya.

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

"Bakit ako na naman?!" Bulong kong singhal. "Kaninang gen math pa ako ah!" Angil ko pa.

"Baka ako yon, Raya." Singit ni Jessa, yung katabi naming matalino.

Nginitian ko siya ng malaki na tinawanan niya lang.

"Di ko kase maintindihan. Ikaw muna ngayong araw tapos ako naman bukas. Promise!" Nangungumbinsing sabi ni Paul.

Siya lang kasi walang ambag ngayong araw.
Inirapan ko lang siya bilang sagot at nakinig nalang tulad ng sinasabi niya.

Nang matapos ang discussion ay meron ngang short quiz.

"For question number 1! How important is having a good communication skills in business? 2 minutes to write your explanation!" Anunsyo ng teacher namin.

Nilingon ko si Paul.

Pinanlakihan niya naman ako ng mata na nagtatanong rin.

Inis akong nag-iwas ng tingin pero natigilan ako nang marinig ko ang boses ng mga kaklase ko.

Naririnig ko ang mga sinasabing explanation nila kaya bahagya akong lumingon sa kabilang upuan sa aisle namin.

Hindi bumubukas ang bibig niya pero alam kong boses niya ang naririnig ko. Pasimple kong nilingon ang iba at ganon rin ang nakita ko.

Napakurap ako at tinakpan ang tenga ko pero naririnig ko pa rin ang mga boses nila.

"Raya, ano na?"

Bahagya akong siniko ni Paul.

Nilingon ko siya.

"Naririnig mo ba sila?" Naiinis kong tanong sa kanya.

Kumunot ang noo niya sa akin at bahagyang napa-atras.

"Nanggagago ka ba?" Sinamaan niya ako ng tingin.

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi at hinayaang marinig ang mga boses na naririnig ko. Inilingan ko nalang si Paul bilang sagot sa tanong niya.

"Nananakot, ampota."

Hindi ko siya pinansin at basta nalang din akong nagsulat ang mga salitang sinasabi ng mga boses na naririnig ko.

"Pass your papers, class. Yan lang ang tanong ko dahil time na rin." Anunsyo ng teacher namin kaya wala sa sarili kong pinasa ang papel ko.

"Hindi pa ako tapos!" Bulong na reklamo pa ni Paul.

Dinectate ko ang sagot ko. Hindi pa ako makapaniwalang naaalala ko pa yon kahit lutang naman ako nang isulat ko ang sagot ko sa papel.

"Sigurado ka dito, ha." Duda niya pang sabi niya kaya binatukan ko siya.

Her Hidden AbilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon