Chapter 12: Shadow Eater

87 17 0
                                    

Patuloy lang kami sa pagtakbo ni Vanessa habang unti-unti lumulubog ang mga punong tumubo kanina at nawawala ang kung ano mang mga bagay na narito sa field kanina.

Nakita ko na rin ang iba sa mga kasama niya na Prime.

"I-check niyo yung building ng seniors!" Utos ni Kreed na kay Vanessa nakatingin... or pati saken?

"Kami ng bahala campus ng elementary!" Sigaw naman nung lalaking crush ni Zesha. Si Blaise.

Taka akong napatingin sa building namin. Wala namang kakaiba roon.

"Anong meron?" Naguguluhan kong tanong kay Vanessa dahil hinihila na niya ulit ako.

"Sumunod ka na lang kasi," singhal niya.

'Onting information lang naman hiningi ko! Damot!'

Nang makarating kami sa harap ng building ay doon lang ako binitawan ni Vanessa.

"Kunin mo yon," Utos niya habang nakaturo sa isang kahoy.

Kinuha ko naman yon at inabot sa kanya.

"Bakit mo inaabot sa akin yan?!" Singhal niya.

"Pinaabot mo 'to diba?!" Balik kong singhal.

Ang pangit kausap ng babaeng ito.

Inirapan niya lang ako at inutusang sundan siya. Bagsak balikat pa akong nakasunod pero nang makatapak ako sa loob mismo ng building namin ay kinabahan ako. May nararandaman akong malakas na energy. Mabigat yon sa pakiramdam at nakakakilabot para sa akin.

Hindi ko alam kung paano ko 'to nararamdaman.

"I'm sure you also can feel that," biglang sabi ni Vanessa.

Hinigpitan ko ang kapit sa kahoy.

"Gamitin mo ang ability mo," utos niya.

Taka ko siyang nilingon.

"Ano bang ability ko?" Balik ng tanong ko sa kanya.

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Hanggang kailan mo ba itatago yang ability mo?" Singhal niya.

"Eh wala nga akong katulad ng sa inyo," singhal ko.

"Bahala ka!" Inirapan niya ako tumakbo papunta sa kanang bahagi ng hallway.

Akma akong susunod pero humarap siya sa akin at tinuro ang kabilang banda.

"Maghihiwalay tayo?!" Gulantang kong tanong.

"I-check mo ang bandang riyan at ako rito!" Sabi niya bago tumakbo.

Nilingon ko ang magkabilang hallway. Nag-iisip ako kung susunod ako sa kanya o pupunta sa kabilang way o hihintayin ko lang siya sa labas. Sa huli ay pumunta ako sa kaliwa.

'Ang tanga ko nga naman talagang tao!'

May chance na akong tumakas kanina eh! Yung panggi-guilt trip lang talaga ni Vanessa ang nagdala sa akin dito!

Dahan-dahan lang ako sa paggalaw at sinusuri ko ang paligid. Kinakabahan ako pero kailangan ko namang gawin ito. Hindi ko alam pero dahil may tanga akong utak na napaka-curious sa mga bagay-bagay ay pakiramdam ko may nagsasabi sa akin na ituloy ko lang ang ginagawa ko.

Sa lahat ng classroom na nadadaanan ko ay kompleto halos lahat ng estudyante.

'Shadow eater...? Ano yon? Wala man lang binigay na clue ang mareng Vanessa niyo! Maldita kase!'

Napatigil ako sa paglalakad dahil nakarinig ako ng tunog mula sa isang classroom. Sinilip ko iyon at agad na nanlaki ang mga nang makita ko ang isang kakaibang bulto. Napatakip ako sa bibig ko nang gumalaw ang bultong yon!

Her Hidden AbilityWhere stories live. Discover now