Chapter 4: The Start

80 16 1
                                    

"Raya, gusto kita." Sabi ni Steven, schoolmate ko.

Nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko.

He's lying... ang aga aga pa naman tapos kasinungalingan agad ang bungad sa akin?

Nasa corridor kami ng classroom ko nang tawagin niya ako dahil may sasabihin daw siya. Hindi ko naman napaghandaan na ito pala ang sasabihin niya.

Ni hindi nga kami close.

"Anong dahilan at bakit mo naman ako nagustuhan?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya.

Kumamot siya sa batok niya at napansin ko rin ang pagtaas at pagbaba ng adams apple niya.

"There's no other reason. Ang alam ko lang ay attracted ako sa'yo."

Humugot ako ng malalim na hininga. Alam kong hindi iyon ang tunay na rason niya.

"Alam mo, Steven, lahat ng bagay may rason, at kung wala ka mang rason, edi gumawa ka naman ng maayos na idadahilan mo. Kasi sa totoo lang, ang corny ng sinabi mo." Sagot ko sa sinabi niya. "Or kung yan talaga ang tunay mong rason? " Taas kilay kong dagdag.

Nakita ko ang pagkairita sa mata niya pero pilit siyang ngumiti pa rin sa akin.

"I know ito ang unang beses mong makatanggap ng confession kaya siguradong naninibago ka pa." nakangiti niyang sabi pero halata namang sarkastiko iyon.

"Sorry to disappoint you, hindi naman kasi ako ignorante. Masyado ka lang halata." I faked a smile.

Halata sa mukha niya na pursigido siyang ituloy ang pinagsasabi niya.

" Kahit umayaw ka, liligawan kita-"

"No need kase wala ka talagang mapapala."

" Okay. Siguro ang issue dito is dahil sa mga chismis na naririnig mo tungkol sa akin. Lahat ng iyon-"

"Wala akong pakialam. Oo, tama ang rinig mo. Wala akong pakialam sa chismis tungkol sa iyo. Ni hindi ko nga alam kung ano ang mga yon." Ikinumpas ko pa ang mga kamay ko para mapatigil siya.

Nagulat ako nang bigla siyang tumalikod mula sa akin at huminga ng malalim bago muling humarap.

"I'll prove it to you." Nakangiti niyang sabi.

Ayaw sumuko ampota.

"Okay bahala ka." Sabi ko at nagkibit balikat.

"Anong bahala ako?" Takang tanong niya but there's a hint of success on his eyes.

"Bahala kang ipukpok sa ulo mo yang mga sinasabi mo," sagot ko at tinalikuran siya.

Sikat sa ABM building si Steven. I don't even know why. Siguro ay dahil may itsura siya? Maybe?

Dumiretso ako ng lakad sa loob ng classroom namin at dumiretso sa upuan ni Zesha. Isa sa mga kaibigan ko. Nagkwentuhan lang kami dahil wala pa namang teacher.

"Raya, hinahanap ka ni Steven." Tawag bigla sa akin ni Stephanie. Isa sa mga kaklase ko.

Kauupo ko palang eh!

Napipilitan akong lapitan siyang muli habang siya naman ay halos hindi umalis sa kinalulugaran niya kanina lang. Kung kanina ay nagbabait-baitan ito, ngayon ay kulang nalang sugurin ako.

Lumapit ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko at tinaasan ko siya ng kilay.

"Let's talk," sabi niya lang at naunang umalis.

Hinayaan ko nalang siyang umalis at lihim na natawa. Wala naman akong pake sa sasabihin niya.

Let's talk daw tapos umalis. Bahala ka diyan.

Her Hidden AbilityWhere stories live. Discover now