playing with fire...

Magsimula sa umpisa
                                    

"Serenity," ani Mama na napatayo at nilapitan kami. "Itulak mo pa yung anak ko sa sulok at baka magdalawang-isip akong ipagkaloob siya sa anak mo."

Nagpalitan sila ng nakakakilabot na ngiti.

"Ano ka ba, Adelphine..." Pabirong hinataw ni Tita ang likod ni Mama. "Hindi naman ako nagmamadali."

Saka niya ako tinignan, suot pa rin ang kakaibang ngiti. "Pero mangyayari pa rin naman ang mangyayari, hindi ba, Thea?"

Napaatras ako.

"Serenity!"

"Ma! Magsisimula na yung ceremony!" sabat ni Arah.

Bumagsak ako sa upuan at pinunasan ang namumuong pawis sa aking noo.

Saka lang ako napabuga ng hangin pagkatapos magsiupuan nina Mama at Tita. Pero bago man 'yon, hindi nila pinalampas ng matalim na tingin ang isa't isa.

Sa kabutihang palad, mabilis lang din natapos ang initiation rites. Sa sandaling nagpalakpakan yung iba pagkatapos i-anunsyong si Seht na ang bagong chief physician ng Olympus Academy, tumayo na ako at nagmamadaling lumayo kina Mama at Tita.

Padabog akong napasandal sa labas ng pintuan ng ceremonial hall.

"Tangina." Nakapagmura na rin sa wakas.

Buong ceremony, wala akong ibang ginawa kundi ang pumagitna sa nang-aapaw na tensyon sa pagitan ng nanay ko at nanay ni Seht.

Sa tuwing tinatawag ang pangalan ni Seht, sinusulyapan ni Tita Serenity si Mama nang nakangiti at nakataas ang noo, tapos napapairap naman si Mama sa kanya.

Mayamaya'y bigla nalang akong natawa sa inasta nila. "Mga baliw," puna ko at inayos ang sarili ko.

Papasok na sana ako nang makita ko sa kabilang dulo ng hall si Seht na pinagkakaguluhan ng mga staff, officers, pati na rin ng mga aurai at satyrs.

Gumuhit ang isang malambot na ngiti sa aking labi.

Yung doktor na nakilala ko sa mortal realms...

"Congratulations, ulit," bulong ko. "-mahal ko..."

At imbes na bumalik sa loob, napagdesisyunan kong pumunta muna sa mechanical room, kung saan ako namamalagi noong estudyante pa ako ng Academy.

Pagkapasok ko, dumiretso ako sa painting kung saan may nakadikit na figurine ng brazen bull sa ibabang bahagi ng frame.

Lumitaw ang apoy sa aking daliri nang itapat ko ito sa tiyan ng figurine. Lumabas ang usok mula sa ilong nito at bumukas ang pader sa harap ko.

Itinulak ko ito at gamit pa rin yung ability ko, isa-isa kong sinindihan ang mga kandila na nakapalibot sa lumang silid na ginawa ni Theosese, a.k.a Hephaestusnoong akala niyang makaka-retire siya mula sa pagiging god at nanirahan sa Academy.

Dumako ako sa mesa kung saan nakalatag ang napakaraming blueprints at notes.

Kinuha ko ang isa sa mga ito at itinapat sa liwanag ng pinakamalapit na kandila.

"Oooh..." Hindi ko naiwasang mapamangha sa sarili kong gawa.

Kaya siguro gusto ko pang manatili sa Academy at magtrabaho dito kasi may mga plano pa ako para sa eskwelahang 'to... mga sistemang hindi ko pa naitupad... mga makinang hindi ko pa naimbento...

Ibinalik ko ang blueprint sa mesa, at nagsimulang halungkatin ang mga papel na nakakalat, pati na rin ang iilang mga libro.

Nasa gitna ako ng pagbabasa nang makarinig ako ng ingay kaya napaikot ako at nakita si Seht.

Golden Age: Semideus SpecialsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon