Pagpasok nila sa loob ay kaagad naglakbay ang mga mata niya sa loob. Maraming tao, kabilang na ang mga supporters ni Thadd at ilan sa mga iyon ay mga artista at kilalang tao rin. Napadako ang tingin niya kung nasaan ang biyenang babae na kausap sina Lovely pati na ang ina nitong si Marita. May mga kausap itong dalawang mga ginang din at mukhang masaya ang pinag-uusapan.

Nang mapadako ang tingin ni Marita sa kanya ay nabura ang ngiti nito at may sinabi kaya naman napatingin lahat sa kanya. Tipid na ngumiti ang biyenan sakanya at kumaway lang. Ngumiti at kumaway lang din siya pabalik at nailang sa mapangmata na tingin ng mga kasama nito kaya naman umiwas na siya.

"I'll just go the restroom first. Magretouch lang ako." Paalam niya kay Percy.

"Okay. Lalapitan ko na sina Papa doon." Sabay turo kung nasaan ang pamilya nito na may mga kausap din. "Doon na kita hintayin."

Tumango siya bago nagpunta ng comfort room. Pagpasok niya ay may lumabas naman kaya siya na lang ang mag-isa roon. She's putting some powder on
her face when both Lovely and her mom enter.

"Lovely told me that you threatened her?" May galit sa tono nito. "Who are you to speak like that to my daughter? Sino ka ba eh napulot ka lang naman ni Percy sa kung saan sa ibang bansa. Inagaw mo siya sa anak ko at ikaw pa ang may karapatang manakot?!"

Inaasahan na niya ang ganitong paghaharap dahil sa sinabi rin sa kanya noon ng biyenan at kahit gusto niyang sagutin ulit sa paraang ginawa niya kay Lovely ay hindi niya gagawin. Ayaw na niyang gumawa ng eksena dahil okasyon iyon ng bayaw niya at ayaw niyang sirain at ayaw din niyang mas bigyan pa ng dahilan ang mga tao na isiping nagbabago na talaga siya dahil may sakit siya sa utak.

"I'm so sorry about that." Na humarap kay Lovely na mukhang nagulat sa paghingi niya ng paumanhin. "I was being emotional at that time and I couldn't control myself. I'm really sorry, I didn't mean anything."

Sa gulat ng dalaga ay hindi agad ito nakasagot sa kanya pabalik. At nang may pumasok na ilang mga kababaihan din roon ay mas lalong nailang na ang dalawa magsalita.

"Again, I'm sorry, I hope we'll just forget about it." At humarap saglit sa salamin para ayusin ang buhok bago muling binalingan ang mag-ina. "Excuse me, I need to go back now. See you around." Na lumabas na para makatakas na sa dalawa.

Hangga't maaari ay iiwas na muna siya sa mga bagay na magpapagalit sa kanya upang hindi magkagulo. Huminga siya nang malalim bago naglakad patungo sa asawa. Nakapaskil sa kanyang mukha ang matamis na ngiti dahil may ibang mga kausap ang mga lalaking Montenegro.

Papalapit pa lang siya ay nakita na niyang itinuro na siya ni Percy kaya naman lahat ng mata ay nasa kanya na.

"I'm General Renato Del Fierro." Pagpapakilala ng isang matanda na katabi ng kanyang biyenang lalaki pagkalapit niya. "This is my daughter SPO2 Astrid Del Fierro and her escort, Police Captain Misael Valiente of the CIDG."

"I'm Vixyn Torrejon- Montenegro." Pagpapakilala niya sa sarili.

Nakipagkamay muna siya sa matanda bago sa kapitan at ang huli ay sa babaeng titig na titig sa kanya. There's a slight surprise on the woman's face when she looked at her but she just ignored her. Marahil ay mga kakilala ito ng asawa at ngayon lang siya nakilala.

"Vixyn-" ulit ni Astrid kaya napatingin siya rito. "You have a unique name."

"Thank you." Aniya na ngumiti na lang dahil nahiya sapagkat hindi nito alam na gawa lang niya ang pangalan na iyon.

May kakaiba sa babae na hindi mawari ni Vix. Walang ka-emo-emosyon ang mukha nito at ang titig ay tagos-tagusan sa loob niya na para bang kinikilatis siya.

F.L.A.W Series Book 3: RUBYWhere stories live. Discover now