CHAPTER 30

6 1 0
                                    

CHAPTER 30

Napaatras ako ng makita si Jerezon sa may couch ng Lobby, nakaupo. Wala ba siyang trabaho? Bakit ang aga niya? Mukha siyang pagod dahil sa itsura niya.

Tinawag ko si Pau.

"Pau, mauna kana may nakalimutan lang akong kunin, babalikan ko."

"Gusto mo samahan na kita?" Alok niya.

Umiling ako sa kanya. "Ahh huwag na, kaya ko na naman." Sagot ko.

She nodded "Okay. Hintayin na lang kita sa labas."

Lumingon ako sa gawi ni Jerezon kaya lumingon din si Pau. "Ohh! Nandiyan na pala ang asawa mo, sige mauna na lang ako. Bye!"

Yumakap pa ito sa akin.

"Sige ingat ka rin." Paalam ko.

Nakita ko naman sila Mark na paalis na rin.

Nag-tatakang tiningnan nila ako. "Bakit nandito ka pa? Hindi ka pa uuwi?" Tanong ni Mark.

Tiningnan ko sila Ozen at William. "May kukunin lang ako sa table ko, nakalimutan ko." Saad ko.

Suminghap si Ozen kaya napatingin ako sa kanya.

"Mauna na kami Annika, may pupuntahan pa kami e." He said.

Tumango ako sa kanya. "Sige ingat kayo."

Kunaway pa William sa akin si Mark naman ay ngumiti lang pagkatapos ay umalis na sila.

Nangako ako kay Jerezon na ngayon kami mag-uusap pero ngayon nagsisisi na ako kung bakit ko sinabi 'yon. Minsan nakakainis talaga na bigla-bigla na lang tayong gumagawa ng mga desisyon ng wala sa oras.

Tama talaga na, don't promise when you're happy or don't do decisions when you're sad.

Huming ako ng malalim.

Bago naglakad palabas, sana lang, hindi ako makita ni Jerezon.

Tumigil ako sa paglalakd para lumingon sa kanya kung nakita niya ba ako, pero wala na akong nakita na nakaupo sa couch.

Nasaan na siya? 

Pagtingin ko sa likod ay nandoon siya, pinagtaasan niya ako ng kilay. Bakas ang inis sa mukha niya.

Fuck!

Maglalakad na sana ulit ako ng hilahin niya ang kamay ko, kaya napabalik ako.

"Tatakas ka nanaman ha!" He said.

"What!" Tumigil ako at tumingin sa kanya.

"E, ano naman ngayon kung tatakas ako ha! Hindi mo naman ako pagmamay-ari." Naiinis na sagot ko at tumingin sa paligid.

Nakatingin pa sa amin si Viviane at Eris, kaya ng makita nilang tumingin ako ay agad silang nag-iwas ng tingin.

"Sa kotse tayo mag-usap, at mag-uusap tayo." Hinigit niya agad ako papunta sa kotse niya.

Pinag-buksan niya ako ng pinto at hinintay na makapasok bago niya sarhan, iniisip na baka takasan ko siya.

Pagkapasok niya ay nilagay niya ang kamay niya sa manibela, ramdam ko ang bigat ng paghinga niya. 

"Ano ba kasing problema mo sa akin?"

Diretsyo ang tingin nito sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"Do you like me?"

Agad akong napatingin sa kanya, kinakabahan.

Ayaw kong sabihin sa kanya kung ano ang nararamdaman ko, natatakot nanaman ako. Natatakot na magkamali. Alam kong gusto niya ako pero hindi ako sigurado kung mahal niya na ba ako.

Hurting You (Play Series #1)Where stories live. Discover now