CHAPTER 15

11 3 0
                                    

CHAPTER 15



Nagising ako kinabukasan na may mabigat na nakapatong sa tiyan ko, nang tingnan ko ito ay isang kamay. Hindi ko na kailanganng magtanong kung kanino ito dahil may idea na ako. Lumingon ako sa kaniya, nakayakap ang isang kamay sa akin ni Jerezon. Tulog pa rin ito, hindi ko maiwasanag hindi tingnan ang buong mukha niya, ang kilay niyang maayos na maayos, ang mahahabang pilik mata, ang ilong niya, sobrang tangos nito at ang labi niya.

Napalunok ako at umiwas ng tingin, dahan-dahan ko ring tinangal ang kamay niya na nakayakap sa akin pagkatapos ay tumayo na ako sa kama.

Masama pa rin ang loob ko because I need to stay more days with Jerezon's and his parents. Okay lang sana kung parents niya na lang ang kasama ko, basta huwag lang siya.

Bumaba na ako at pumunta sa kusina pagkatapos ay naluto na para sa breakfast namin, kung hindi dumating ang parents ni Jerezon kagabi ay baka nasa condo na ako ni Nomy ngayon at hindi kona makikita ang pagmumukha niya.

Nang matapos na akong magluto ay naglakad na ako pabalik ng kwarto, nasalubong ko naman si Mama, Mama ni Jerezon. "Good morning po Ma." I greeted and smile at her, she smile and greeted me back. "Good morning din Annika, nagkape kana ba?"

"Hindi pa po Ma, mamaya na lang po nagluto lang po ako." 

Naiilang pa din ako sa Mama ni Jerezon at ganun din sa Papa niya dahil sa ginawa naming pag-alis sa Cebu. "Maliligo lang po ako Ma."

"Ohh sige, bilisan mo tapos sabayan mo akong magkape."

"Sige po Ma." Tumalikod na naman ito papuntang kusina kaya pumunta na ako sa kwarto namin.

Hindi din nila sinabi kung ilang araw sila dito sa Manila pero ang sabi ng Papa ni Jerezon ay tungkol sa kompanya nila ang ipinunta ng parenst niya dito, sumama lang ang Mama niya para mabisita raw kami nito. Dito rin daw sila mag-stay sa condo habang nandito sila. Nalaman din nila ang condo address ni Jerezon dahil tinanong ng Mama ni Jerezon kay Mama, hindi niya raw kasi macontact si Jerezon.


Pagkapasok ko sa kwarto ay tulog pa si Jerezon sa kama, ano kayang ginawa nito kagabi bakit parang puyat na puyat ito? Kumuha ako ng damit sa closet at pumasok na sa banyo Friday na ngayon kaya bukas ay wala kaming pasok mag-o-overtime na lang ako mamaya para tapusin ang design dahil sa Monday ay i-prepresent ko ito sa harap ng board para makita nila ang design ko, pero kung hindi naman nila nagustuhan ang iba ay pwedi ko namang baguhin.

I wear black pantsuit and black heels at pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto, tulog pa rin siya.

Huwag kana sanang magising.

Pagdating ko sa dining area ay nandoon na ang Papa ni Jerezon, "Good morning Pa." I greeted at him and sat at the empty high chair.

"Good morning din hija. Ohh! Nasaan si Jerezon? Tulog pa ba?"

"Tulog pa po."

"Annika kumain kana at baka malate kapa sa trabaho mo."

Tumango lang naman ako at kumain na, paminsan-minsan ay susulyap sa akin si Mama kaya naiilang ako sa mga tingin niya. Mabait naman ang parents ni Jerezon, pero hindi ko alam kung bakit nahihiya ako sa kanila.

Nahihiya ako dahil alam kung niloloko ko sila, hindi lang naman ako pati rin si Jerezon hindi ko lang kaya na ang bait nila sa akin tapos ako nagsisiningaling sa kanila. Parang mali naman 'yon di'ba?

Mali talaga, kahit kailan ay hindi naging tama ang magsinungaling.

Maya-maya lang ay dumating na si Jerezon sa dining area, nakaligo na ito at nakabihis na. He was wearing a white long-sleeve shirt with a black necktie and pair of black slacks. He looked handsome in his own way naka brush-up din ang buhok niya.

Hurting You (Play Series #1)Where stories live. Discover now