CHAPTER 25

4 3 5
                                    

CHAPTER 25



Kadarating lang namin sa Condominium ni Nomy galing doon sa yachty party. "Nag-enjoy ka ba? Ako oo, sobrang stress ko kasi sa trabaho dahil doon sa bagong kaso ko." Nomy said.

Umupo ito sa may sofa sa tabi ko, tinaas niya ang paa niya sa maliit na lamesa.

Umiling ako. "Sana, kung hindi dumating ang lalaking 'yon." I said, iniisip kung paano sinira ni Jerezon ang gabi ko doon.

"Nakalimutan ko pa lang sabihin sayo na tumawag sa akin si Faith, tumatawg pa ba siya sayo?" Nilingon ako ito, hinihintay ang sagot ko.


Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya, I sighed. "Hmm...dati oo pero ngayon hindi na" I lied.


"Sa kuwarto muna ako, magpapalit lang." Tumayo ako at kinuha na ang gamit ko.


Tumango naman si Nomy. "Sige, ako mamaya na kunti."

I walked to my room I still didn't plan to change but that's all I said, I don't want Nomy to ask any more questions about that woman. I don't want to hear anything about her anymore.

Kung sakaling mawala ang friendship namin ay hindi naman ako ang may kasalanan. Siya 'yon.

Lumipas ang dalawang araw at naging maayos naman ang lahat akala ko pa nga ay guguluhin ako ni Jerezon, mabuti naman ay hindi. Siguro naman naintindihan niya na kung ano talaga kami, na walang kami at hindi 'yon mangyayari kahit kailan.

"Miss Annika. May naghahanap po sa inyo sa lobby." Ani Vivian Vimare, isa siya sa mga nasa reception area.

"Sino raw?" I asked. Hindi kaya si Jerezon?

"Lalaki ba?" Umiling naman ito. "Hindi kaya 'yong kaibigan mo Annika, ano nga ang pangalon 'non..." Ani Mark.

Nandito sila ngayon sa table ko nagkukumpulan, lunch break kasi namin pero hindi na kami bumaba dahil may dalang pagkain si Pau at kasya naman para sa amin.

"Si Nomy 'yon, kunyari pa si Mark ohh. If I know lahat ng chixs hindi mo nakakalimutan ang pangalan." Pau teased.

"Sssh!" saway ko sa kanila. Nang mapansin kong sumulyap ang babae kay Ozen at magtama ang tingin nila ay hindi ko mapigilang hindi mangiti.

"Hindi naman siguro si Nomy 'yon sinabi ko na dati sa kaniya na kung pupunta siya dito ay sabihin niya sa akin." I got up from my swivel chair and William sat there.

"Puntahan ko muna sa baba luch break pa naman e." I said.

"Ubusin na namin to ha!" ani Pau at tinuro ang pagkain na natira. Tumango naman ako sa kaniya.

Kasabay ko ang babae na pumasok sa elevator. "May gusto ka ba kay Ozen?" tanong ko sa kaniya sa gitna ng katahimikan, hindi kasi nakaiwas sa akin kanina ang pamumula ng pisngi niya matapos nilang magkatitigan. Bigla din sumagi sa isip ko na baka siya ang secret admirer nito na nagbibigay ng regalo sa kaniya na halos araw-araw.

Hindi ko rin siya masisisi dahil gwapo naman talaga si Ozen at mabait pa. "Ohh! sorry I didn't mean to-" she cut me off.

"Tama ka gusto ko siya." nagulat ako sa sinabi niya. I smile hindi ito makatingin sa akin. Nahihiya sa pag-amin niya.

"Don't get me wrong pero ikaw ang secret admirer niya." This time he looked at me and she nodded slowly, making me smile even more.


"Pero huwag mong sabihin sa kaniya, natatakot at nahihiya ako. Ayos na ako sa ganito ang bigyan siya ng regalo araw-araw." Kahit nagtataka ay hindi ko na siya na question dahil hindi ko maintinmdihan kung bakit ayaw niyang formal na mapakilala kay Ozen, maganda rin naman siya ahh!

Hurting You (Play Series #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum