CHAPTER 26

8 3 1
                                    

CHAPTER 26



"Coffee Americano for Franco!"

Natigilan ako sa pagsasalita ng marinig ko ang sigaw ng Barista, he quickly walked straight to the counter to take his orders. He returned to his seat earlier.

Ngayon ko na lang ulit siya nakita, as usual naka cap nanaman ito katulad ng dati noong nasa High School pa lang kami.

Franco Dewitt is my ultimate crush noong High School pa lang ako, at siya ang first love ko. First of December ng dapat ay sasagutin ko na siya dahil he's courting me almost a month's bago mag sembreak, pero dahil sa ginawa ni Jerezon ay hindi 'yon nangyari.

"Hoyy! Grabe kayo kay Mark, pero totoo 'yon." Pau said and chuckled.

Umiiling naman si Mark. "Okay, change topic, patawa si Pau e." Binatukan naman siya ni Pau.

I didn't follow what they were talking about because I was just looking at Franco. Is this real?

Buhay siya?

Pero paano?

Gusto ko sana siyang lapitan pero ng makita ko ang Mommy niya ay naduwag ako, kilala ko kasi ang ugali ng Mommy niya. He didn't want me before for his son because Franco and I were like heaven and earth, because they were rich and we we're just poor

Pera lang ba ang mahalaga para sa iba? kayamanan. Napakababaw nila kung ganun kung pera, kayamanan ang mahalaga para sa kanila.

"Annika ayos ka lang? Para kang balisa?" Ani Pau at tinapik pa ang pisngi ko.

"Huh! Ahh! Ano...wala ayos lang ako." saad ko at iniiwas ang tingin kila Franco.

Alam din ng pamilya niya na buhay siya? Pero bakit ako hindi?

"Okay, sabi mo e." Nagkibit-balikat lang ito sa akin at nakipag-usap na ulit kay William.

"Ozen, hindi ka na binigyan ng regalo ng secret admirer mo ahh. Naubusan na siguro ng budget 'yon." Ani Mark at humalakhak.

Natawa rin sila. "I don't know. Mas okay na rin siguro 'yon." he replied.

"Hindi ka talaga binigyan ngayon?" Paninigurado ko. Ako ata ang may kasalanan kung bakit hindi na nagbigay si Vivian sa kaniya.

"Wala talaga." Ozen said.

"Baka naman nagsawa na. Syempre napapagod din 'yon." Pau chuckled.

Dahil break namin ay dito kami sa Coffee Shop pumunta at balak ko rin pumunta mamaya sa site para tingnan kung may improvement ba ang project na ginagawa namin. Madalang ko na rin makita si Winz at ayos lang naman sa akin ang ganun.

Pagbalik namin sa Kompanya ay naabutan namin si Jerezon na nakaupo sa isa sa mga couches, ano nanamang ginagawa ng lalaking ito dito?

"Puntahan ko lang muna," I said.

"Ang haba ng hair Annika huh!" Pau teased.

I chuckled. "Sige maunan na kayo, susunod na lang ako."

Naglakad na naman sila papunta sa elevator, ako naman ay naglakad papunta sa kung nasaan si Jerezon.

"Sabi nang guard lumabas daw kayo, kumain ka na? May dala akong snacks mo, pati lunch na rin." He said. Binigay sa akin ang dala niya.

Hindi ko kinuha. "Tapos na akong kumain, nabusog nga ako e." I said.

Naiwan sa ere ang kamay niya kaya binaba niya na lang ang dala niya. Nakatayo pa rin ako sa harap niya.

Hurting You (Play Series #1)Where stories live. Discover now