CHAPTER 29

10 3 0
                                    

CHAPTER 29


Pagdating ko sa bar ay kinawayan agad ako nila Noel kaya nakita ko agad sila. Tinuro nila si Jerezon na ngayon ay nakaduko na sa counter ng bar.

Ang baba pala ng alcohol tolerance ng lalaking ito. Ang lakas ng loob maglasing tapos hindi naman kayang umuwi na mag-isa.

"Annika, I'm really sorry, we're going somewhere, kaya ikaw na sanang bahala diyan sa asawa." Sagot ni Emman.

Napatango ako ng wala sa oras.

I forget it, asawa ko nga pala ang lalaking ito sa tingin nila. Kaya responsilidad ko ang taong ito.

"Sige mag-ingat kayo, thank you rin." sagot ko.

Ngumiti sa akin si Noel. "Alis na kami huh! Bye!" kumaway pa ito ganun din si Clark.

Nang maka alis na sila ay umupo ako sa high chair sa tabi ni Jerezon at pinagmasdam ang mukha niya.

Hindi ko alam kung tama ba o totoo itong nararamdaman ko para sayo. Wala naman sigurong mali sa nararamdaman ko 'di ba. Hindi naman mali ang magmahal 'di ba? Pero sabi nga ng iba masarap ang bawal. Oo masarap kung ano ang bawal pero hindi naman bawal ang mag mahal 'di ba.

Masarap din ang magmahal pero alam naman nating lahat na kaakibat ng pagmamahal ay ang sakit.

"Alam mo bang gusto na kita." sagot ko rito.

Napa-atras ako ng gumalaw ito, hindi niya naman narinig ang sinabi ko 'di ba? Fuck!

He looked straight at me when he opened his eyes.

He smile namumungay na rin ang mga mata. "Sana all gusto." sinabi niya ng wala sa sarili pagkatapos ay pumikit ulit.

Inhale! Exhale!

Makakalimutan niya rin 'yan bukas Annika.

Makakalimutan.

Pangungumbinsi ko sa sarili.

Tinawag ko ang taxi driver at nagpatulong na buhatid namin si Jerezon.

Nang mailagay namin si Jerezon sa backseat ng taxi ay napahawak ako sa braso ko. Sumakit ang katawan ko doon.

Sa passenger seat ako umupo si Jerezon naman ay nasa likod, nakahiga.

Ang sarap ng buhay!

Nang makarating sa condo ay sa guard na lang ako nagpatulong na buhatin si Jerezon.

"Sa kama na lang po," sagot ko.

Nang maihiga namin si Jerezon sa kama niya ay nagpasalamat na ako sa guard bago ito umalis. Aalis na rin sana ako bago umuwi pero ng makita ko ang itsura at ayos ni Jerezon ay hindi ko nagawa.

Ito na ba ang epekto na in love ako sa lalaking ito?

Arghh!

Nakakainis.

Pumatong ako sa kama at hinila si Jerezon para ihiga ng maayos naka lay-lay kasi ang sapatos niya sa sahig.

When I fixed him I also took off his shoes, I sat down next to him and looked at his face.

Huminga ako ng malalim. "Natatakot akong mahalin ka ng sobra tapos tsaka mo malalaman na hindi mo pala talaga ako mahal kundi si Salliz." bulong ko.

"Natatakot akong masaktan." pinahid ko luha ko, umiiyak na pala ako.

Natatakot ako na baka kapag sumugal ako ay ikaw naman ang hindi sumugal. Mas lalong ayaw ko na maghintay, baka kasi kapag naghintay ako ay wala pala akong hinihintay.

Hurting You (Play Series #1)Where stories live. Discover now