CHAPTER 23

5 3 0
                                    

CHAPTER 23



Si Jerezon agad ang nakita ko. Nagbalak akong tumayo kaya nauntog ang ulo ko sa ulo niya.

"Awww!" Daing ko.

"Are you alright?" he asked and touched my forehead to see if I was hurt.

Tinapik ko ang kamay niya. "Hey! Alisin mo nga ang kamay mo! Tsaka bakit kaba nanggugulo ng tulog huh!?" I screamed. Naiinis dahil naaantok na ako. Storbo.

Nakita kung may sumilay na ngiti sa labi nito pero bigla ding nawala, lasing na siguro ako. Nagbaba ang tingin ko sa may hita ko, may itim na jaket na nakalagay. Kanino naman 'to?

Tinangka ko itong alisin pero tinapik niya ang kamay ko. "Don't." May talim na titig na saad nito, naguguluhan ako kaya tinanggal ko rin ito.

"Fuck! Annika! I said don't." agad niyang ibinalik sa hita ko ang jaket para matabunan ang hita ko naka skirt kasi ako. Nahihilo pa ang paningin ko kaya umiikot ang lahat ng makita ko kahit ang mukha ni Jerezon ay malabo na sa paningin ko.

"Hehehe!" I smile and peace to him showing may peace sign.

Napasigaw ako ng bigla niya na lang akong buhatin, pa bridal style. "What the hell! Jerezon! Put me down." I commanded. Alam kung may mga nakatingin na ngayon sa amin. Kung kanina ay nahihilo ako dahil sa kalasingan pakiramdam ko ngayon ay nahimasmasan na ako.

"Ibaba mo nga ako! Ano ba." I screamed and punched hes chest to let me down but he did not. Ano bang problema ng lalaking ito? Pati ako dinadamay niya.

Pag-angat ko ng tingin ngayon ay nasa labas na kami akala ko ay ibaba niya na ako 'yon pala ay hindi pa naglakad pa siya papunta sa isang sasakyan na sa tingin ko ay 'yon ang kotse niya. 

"Ibaba mo na ako!" sigaw ko sa mukha niya, ginawa niya naman ang sinabi ko. Binaba na ako nito.

I rolled my eyes. Na ha-high blood na ulit ako sa kaniya, tumaas ang blood pressure ko dahil sa inis sa kaniya.

"Umuwi ka na ihahatid na kita." he said in a deep voice.

I clear my throat. Nanlalaki ang mata ko ng maalala na nasa  CR pala si Pau.

"Wait lang babalik ako sa loob si Pau-" Tumalikod na ako at handa ng bumalik ulit sa bar pero nahawakan niya ang kamay ko, pinaharap niya ako sa kaniya.

"Ano ba." angal ko at tinabig ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko.

I looked at my hand he was holding, he tightened his grip there.

He sighed. "She's fine. Lumabas na siya sa CR kanina binilin ka pa nga niya sa akin, so let's go ihahatid na kita."

"Sige uuwi na ako.-" I stop and looked at him. "Pero hindi ako sasabay sayo." I continued.

"Ihahatid kita okay." He said. Ayaw magpatalo.

Galit na tiningnan ko siya. "Magtataxi ako." Tumingin ako sa may kalsada naghahanap ng taxi. Pero wala akong makita. Humakbang ako. ng ilang hakbang palayo sa kaniya.

Tiningnan niya ako. "Ang alam ko walang taxi na dumadaan dito." he said in the air. Gusto niya talaga na marinig ko 'yon. Magkalayo na kami ngayon, humilig ito sa may kotse niya.

"I don't care." sagot ko sa kaniya dahil alam kung ako ang pina-paringgan niya.

He chuckled. Napatingin ako sa kaniya. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko 'di ba? Napatingin ako sa isang babae na tumakbo papunta sa kabilang kalsada.

Hurting You (Play Series #1)Where stories live. Discover now