CHAPTER 14

9 3 0
                                    

CHAPTER 14



I ended the call after talking Nomy tinawagan ko siya para sabihin na bukas ay babalik na ako sa condo niya dahil uuwi na ang parents ko, pumayag naman siya na doon ulit ako mag-stay.

Sinabi na kasi sa akin ni Mama na uuwi na sila ng Cebu bukas. I don't know if they also tell that kay Jerezon. 

Maaga akong nag-out ganun din sila Pau, hinatid na rin nila ako sa condo ko para hindi na ako mag-taxi. Parang gusto ko tuloy bumili ng kotse.

When I arrived at the condo it was Mama and Papa I caught in the living room they we're eating spaghetti while watching TV. "Ma, Pa. Nakakuha na po kayo ng tickets para sa flight niyo? Ang sarap naman ng spaghetti na 'yan Ma ikaw nagluto." Umupo ako sa tabi ni Mama at kumain ng spaghetti na kinakain nila.

"Nandiyan kana pala, Oo nakakuha na kami ng tickets kanina ng Papa mo dumaan kami doon. Hindi mo kasabay si Jerezon?"

"Hindi po Ma, nagtext naman po siya sa akin at sinabing baka ma-late siya ng kaunti sa pag-uwi. May tinatapos pa siguro Ma." I said with full of lie, he didn't really text me.

Mamaya siguro nandiyan na 'yon, maaga pa naman.

"Kakausapin ko mamaya si Jerezon, Annika, tungkol sa pagpapakasal niyo sa Cebu. Mas gusto ko kapag nakasal ulit kayo sa simbahan."

I looked at Papa. "Sige po Pa. Wala naman po akong kontra doon mas maganda nga po kung ganun. Pero baka po hindi agad ngayon pa, may bagong project po ata si Jerezon pati ako kaya busy po kami this year. Next year pa, pwedi na." Mukhang nakumbinsi ko naman si Papa, at pagdating ng next year na 'yon ay wala na kami. Sasabihin na naming naghiwalay kami, na hindi nag-work ang relationship naming dalawa.

Tumango-tango naman si Papa, "Nabilhan mo ng pasalubong si Efreme Ma?"

"Binilhan namin kanina ng Papa mo, mabuti at pinaalala ng Papa mo kanina. Magbihis kana muna pagkatapos ay kumain kana ng spaghetti na niluto ko."

"Okay po."

I went upstairs and change my clothes when I finish I went back to the living room. Nakinood din ako sa pinapanood nila Mama habang kumakain ng spaghetti. 7pm na at wala pa din si Jerezon.

Tumayo ako at pumunta sa may kusina para magsalin ng Ice tea sa baso ko. Bumalik din naman agad ako at nanood ulit.

After watching TV with my parents I cooked for our dinner and Mama help me to cooked Kare-kare and adobo. Maya-maya lang ay dumating na si Jerezon, kaya nag dinner na kami. Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nagpresintang maghugas ng plato.

Mukha kasing pagod na pagod si Jerezon, naaawa ako. I don't know why I felt pity about him, this is the first that I felt pity on him and this is also the last.  Hindi na ulit ito mangyayari.

Pumunta na naman sila mama at papa sa kwarto nila, umalis na rin si Jerezon sa kusina kaya naghugas na ako ng plato. Naglakad na ako papunta sa kwarto matapos kung maghugas ng plato, saglit lang din ang naging paghugas ko. Pagkapasok ko sa kwarto ay siyang kakalabas lang ni Jerezon mula sa banyo nakatapis lang siya ng tuwalya sa kaniyang bewang, may tumutulo ding tubig mula sa kaniyang buhok.

Agad akong tumalikod mula sa kaniya, omy gosh!

May abs pala siya, hindi ko nga lang nabilang kung ilan.

"Dapat sa loob ng banyo ka nagbibihis! Hindi lang ikaw ang tao dito sa kwarto mo." Nakatalikod pa rin ako mula sa kaniya.

"You can look at me now, hon." He said, teasing me. Hindi ko nagustuhan ang pagkakasabi niya ng hon, humarap ako sa kaniya. Nakabihis na ito ngayon, hindi ko na lang siya pinansin at kumuha ako ng damit sa may closet at dumiretsyo sa banyo para maligo.

Hurting You (Play Series #1)Where stories live. Discover now