"Kaya naman pala mabilis nakapasok...at pinayagan kahit pa buntis," rinig kong usap-usapan ng grupo nina Michelle.

Imbes na nagfo-focus sila sa pananahi ay nagawa pa nilang magkumpulan at pag-usapan nanaman ako. Hindi ko din alam kung anong nagawa ko sa kanila at ang init ng dugo nila sa akin.

"May kapit naman pala sa may ari..." dugtong pa ng isa.

Ramdam ko ang mapanuyang tingin nila sa akin pero hindi ko na lang pinansin. Para sa baby ko kaya ako nagta-trabaho. Para sa kanya kaya kailangan kong mag-ipon.

"Ilang beses ka ng nagpasa ng portfolio kay Ma'm Chelsea pero wala ni isang na-approve. Tapos itong bago ay walang kahirap hirap," rinig kong sabi pa nila.

"Kapit talaga ang labanan dito," inis na sabi ni Michelle.

Napabuntong hininga ako at marahang napailing. Ipinagpatuloy ko na lang ang pananahi ko, hindi ko kailangang makipag-away sa kanila o ilaban ang alam kong tama dahil sigurado naman akong hindi nila iyon tatanggapin.

"Anong iniiling-iling mo diyan?" inis na tanong niya sa akin.

Nag-angat ako ng tingin at nakitang dahan dahan siyang naglakad palapit sa akin.

"Wala. Ayoko ng away," sagot ko sa kanya.

Napaiktad ako sa gulat ng hampasin niya ang makina sa aking harapan.

"Ang yabang mo! Akala mo kung sino ka na...bago ka lang dito," asik niya sa akin.

Ramdam ko yung galit at inis niya sa akin kahit wala naman akong ginagawa sa kanya.

"Sa pagkaka-alala ko ay wala naman akong ibang ginawa sa inyo para magalit kayo sa akin ng ganyan," sabi ko sa kanila.

Tumawa ang mga kaibigan ni Michelle na para bang may nakakatawa sa sinabi ko.

"Unang kita ko pa lang talaga sayo kumukulo na ang dugo ko," gigil na sabi niya sa akin.

Nag-taas ako ng kilay sa kanya. Kung kanina ay ayokong labanan ang inis niya sa akin, ngayon naman ay handa na akong makipagsagutan sa kanya. Hindi ko na din ma-control ang emosyon ko nitong mga nakaraang araw. Ang bilis niyang magbago.

"Hindi ko naman kasalanan kung puno ng inggit yang katawan mo," sabi ko sa kanya.

Nanlaki ang mata niya na para bang nagulat siya dahil natumbok ko kung ano talaga ang problema sa kanya. Iyon din kasi ang napansin ko sa trato niya sa ibang ka-trabaho lalo na sa mga bagong kagaya ko.

"Ang kapal ng mukha mo," gigil na sabi niya sa akin.

Nagpapadyak siya sa harapan ko na para bang gigil na gigil siyang saktan o sampalin ako pero hindi naman talaga niya kaya.

"Kung ako sa inyo, babalik na lang ako sa trabaho. Wag niyong sayangin ang oras niyo sa akin..." swestyon ko sa kanila.

"Hindi pa tayo tapos, Alice," banta niya sa akin na hindi ko na lang pinansin.

Sa lahat nang ginawang pagbabanta ni Tita Atheena sa akin at sa buhay ng pamilya ko ay sa tingin ba niya matatakot pa ako sa banta niyang ganyan? Sa dami ng pinagdaan ko sa buhay ay parang wala na ata akong kinatatakutan ngayon...hanggang sa dumating ang baby ko. Bigla akong natakot para sa kaligtasan niya.

Pagkatapos ng trabaho sa factory ay lumabas na kaagad ako. Nagulat lang ako na imbes na si Manong na tricycle driver ang naghihintay sa akin ay si Hunter ang nandoon.

Agaw pansin ang magara niyang sasakyan sa labas ng factory. Kaya naman ng sabihin niya sa aking sumakay na ay sumakay na kaagad ako para naman hindi na kami magtagal pa sa harapan. Siguradong bukas ay ako nanaman ang gagawin nilang pang himagas sa tanghalian.

When the Moon Heals (Sequel #2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang