[17] The Eighth Incident

Start from the beginning
                                    

"Oh? Eh ano pang ginagawa natin dito? Tara na!" At nagpatiuna ng pumasok si Jay-D sa sasakyan na sinundan naming dalawa ni Zeline. Mayroon na lang kaming dalawampung minuto para makarating sa meeting place at mailigtas si Jessica. Pero kung mamalasin ka nga naman, ay natraffic pa ang rutang dinadaanan namin.

"Sino daw ang gagayahin ng doppelganger?" Nakuha ang atensyon ko nang marinig si Zeline na may kausap sa telepono.

"Sila ba 'yan?" Tanong ko dito na tinanguan naman niya.

"Walang ipinakita? Papaano 'yan?" Sa mga binabanggit ni Zeline ay nahihinuha ko na ang nangyayari ngayon sa kabilang linya.

"Pwede bang ako ang kumausap?" Pakiusap ko kay  Zeline. Pumayag naman ito atsaka iniabot ang telepono.

"Sino 'to?" Tinakpan ko muna ang mouthpiece ng telepono at tinanonh kay Zeline kung sino ang nasa kabilang linya.

"Si Rhea." Sagot naman niya.

"Pusanggala. Bat ngayon pa nagkatraffic?!" Gigil na sabi naman ni Jay-D sabay hampas ng manibela. Hindi ko na lamang iyon pinansin at kinausap si Rhea na nasa kabilang linya.

"Ano? Musta na kayo diyan? Si Jeanella 'to." Wika ko.

"Wala pa ding lumalabas na doppelganger. Hindi tuloy namin alam kung katulad din ba ito ng kay Jospeh eh. Ssshh! Tumahan ka na, Jess. Lakasan mo ang loob mo." Sa kabila ay dinig ko ang pag-iyak ni Jessica. Mukhang takot na takot na talaga siya.

"Eh kayo ba diyan eh nagkatanungan na ng group code natin? Baka mamaya niyan 'yong isa nagpapanggap lang." Paniniguro ko.

"Oo, nasigurado ko na. Pero sandali, nasaan na ba kayo?" Muli niyang pagtatanong sa kung nasaan na kami.

"We're stucked. Malayo pa kami bago makaabot diyan. Sorry pero—" Naputol ang pagsasalita ko ng makarinig ako ng ingay sa kabila.

"Hey! Hey! Rhea?! Anong nangyayari diyan?" Tanong ko subalit walang sumasagot dito. Sa halip, ay sigawan at hiyawan lang ang naririnig ko.

"Baka nandoon na ang doppelganger." Pagbabaka-sakali ni Zeline na sinang-ayunan ko naman.

"Sa wakas at umusad din." Sambit ni Jay-D nang magsimulang gumalaw ang mga kotse na nasa harap namin. Agad naman akong napakapit sa hawakan sa gilid ng kotse sa biglaang pagmaneho ni Jay-D. Buti na lang at naka-seatbelt kami ni Zeline, kung hindi ay baka nagkauntog-untog na kami.

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang pababa ng kotse. Late kami ng limang minuto mula sa oras ng hangganan sa pagligtas kay Jessica. Nawalan kami ng contact kina Rhea kanina dahil parang nagkaroon ng kaguluhan sa kanila. Kaya ngayon, para akong tumakbo ng milya-milya sa paghahabol ng hininga ko. Pero gayunpaman ay nilakasan ko ang loob ko para alamin ang nangyari.

Nakasunod sa likuran ko ang dalawa habang pumapasok kami sa meeting place namin. Sa sala pa lang ay kita na ang bakas ng kaguluhan. Mas lalong nanindig ang balahibo ko, nang sa isang sahig ay nakita ang bahid ng dugo.

"Nasaan na sila?" Tanong ni Zeline habang nagmamasid-masid din sa paligid. Pero wala sa amin ni Jay-D ang sumagot. Hanggang sa makarinig na lamang kami ng hiyawan.

"Sa garden." Sambit ni Jay-D at agad na tumakbo patungong garden ng meeting place namin. Agad kaming sumunod ni Zeline sa kanya at doon nakita ang apat na nagkakasiyahan.

"Yes! We made it! We made it!" Panay ang sigaw ni Justine habang yakap-yakap si Rhea.

"Hooo! Nagawa natin. Salamat sa Diyos." Dinig ko pang sambit ni Anthony. Dahan-dahan kaming tatlo na lumapit sa kanila na pawang nagtataka sa mga reaksyon nila. Hanggang sa makita namin ang nakangiting si Jessica na sakto ding napatingin sa amin. Nabuhay siya?

"Naandito na pala sila!" Masiglang saad pa nito atsaka kumaway sa amin. Tumingin naman ang tatlo pa sa amin at lahat sila ay binigyan kami ng masiglang ngiti. Nang makalapit kami sa kanila ay sabay-sabay nilang binigkas ang isang magandang balita.

"Ligtas na si Jessica!" Nagkatinginan muna kami nina Zeline at ni Jay-D, at unti-unti ay sumilay sa amin ang ngiti nang dahil sa balitang iyon.

"Talaga? Wow! So, it means... we can save all of us here." Pagcoconclude ko na kanila naman tinanguan.

"My gosh! Bumili lang tayo saglit, may nangyari ng ganito? Grabe di ko matake. Pero girl, Congrats!" Saad naman ni Zeline at niyakap pa si Jessica.

"Maraming salamat. Salamat din sa inyo, guys! Kung hindi din dahil sa inyo, siguro mamamatay na ako." Maluha-luha namang sabi ni Jessica.

"No! You're the one who saved your life. Nang dahil sa lakas ng pananalig mo, nagawa mong mapatay ang doppelganger." Muli kaming nagulat nina Zeline sa sinabi ni Anthony.

"Ikaw ang nakapatay sa doppelganger na dapat ay papatay sa'yo?" Tanong ko dito na hindi makapaniwala.

"Oo, Jeanella. Actually, ako dapat ang makakapatay doon, pero sadyang mahusay ang doppelganger na iyon at nadaplisan ako." Singit naman ni Michael atsaka ipinakita ang hiwa sa kanyang braso. Agad ko namang chineck iyon at ganoon na lamang ang pangangasim ko ng makita ang malalim nitong sugat. "At n'ong time na sa akin nakatingin ang doppelganger na iyon, doon kumilos si Jessica. Nagawa niyang mailigtas ang sarili niya." Dagdag pa ni Michael. Sa sobrang saya, ay di ko namalayang unti-unti ng bumubuhos sa aking mata ang aking mga luha.

"S-so... we only have four more person to save." Nasambit ko pa sa gitna ng aking pag-iyak. Nagbago naman ekspresyon sa mukha ng apat na taong tinutukoy ko. Si Rhea, Zeline, Justine, at Jay-D. Ang apat na taong nasa alanganin pa ang buhay.


==========

Read. Vote. Comment.

 

Add me on facebook: El Arcturus WP

or follow me on twitter: @el_arcturus

The Devil's TimeWhere stories live. Discover now