CHAPTER VIII

13.3K 509 23
                                    

1258h

~~~~~

"Bakit mo ba sila hinahayaan na apihin ka?"

Iniwas ko ang tingin ko kay Robin. Nahihiya ako. Eh. Kasabay ko lang namang magtanghalian ang crush ko.

Kinabahan ako. Masama ang tingin ng ibang estudyante sa akin, napayuko lang ako.

"Ano ka ba Micca Ella. Huwag mo silang pansinin."

Hindi ko magawang magsalita. Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Buti nalang at kanin lang at chicken ang ibinuhos ni Rosella sa akin at madali lang kong nakapaglinis sa sarili ko.

"Okay ka lang?"

Inangat ko ang ulo ko at pinilit kong tingnan si Robin. Kitang kita ang pag-aalala sa mukha niya.

"O--okay lang. Salamat."

~~~~~

[Robin's POV]

Micca Ella Collins.

Kakaiba talaga ang nararamdaman ko kapag naririnig ko ang pangalan niya.

She's mysterious and so quiet. Nagsasalita lang siya kapag sasagot siya sa question ng teacher. Pero kapag naririnig ko ang boses niya, para siyang musika na ang sarap sa tenga.

Kaya naman perfect timing na iniligtas ko siya sa pang-aapi nina Rosella kanina.

Nakatingin ako sa kanya habang kumakain siya. Nakayuko at halos natatabunan ng kanyang maitim at mahabang buhok ang kanyang mukha. Ni-hindi ko nakikita ang kanyang mga mata dahil naka-eyeglasses naman siya.

Mukha naman siyang mabait. Pero hindi ko maintindihan kung bakit palagi siyang binubully. Parang wala naman siyang kasalanan pero pinaparusahan parin siya. Anak man siya ng baliw, pero hindi naman ibig sabihin na baliw din siya.

I want to know her more.

Pero hindi naman siya nagsasalita.

"Uhm. Micca Ella?"

Inangat niya ang ulo niya at tumingin siya sa akin. Para naman akong namesmerized sa ganda ng kanyang mga inosenteng mata.

"B--bakit?"

Kakaiba talaga siya sa mga babae na kilala ko. Magaling siyang magtago ng feelings. Hindi ko siya mabasa. Hindi tulad ng ibang babae na napakatransparent.

Teka. Paano ko ba ito itatanong sa kanya.

"K--kasi--"

Bakit ba ako kinakabahan? Sanay naman ako sa mga babae ah. Pero bakit ba kakaiba ang nararamdaman ko sa kanya.

Tiningnan ko siya at nag-aabang parin siya sa sasabihin ko. Para naman nilagyan ng stepler itong bibig ko at hindi ko makunang magsalita.

"Robin?"

Nakatitig parin siya. Napakaganda niya pero bakit walang nakakapansin?

"Kasi---"

Ano ba yan Robin. Bakit ka nauutal?!?!

"Kasi...ano?"

Robin. Ilabas mo na. Huwag kang mag-uutal-utal diyan!

Pumikit ko.

"Pwede bang ikaw ang date ko sa Seniors' Prom natin?"

Nakita ko namang nanlaki ang mga mata niya.

Secretly TELEKINETICHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin