CHAPTER XVI

10.7K 349 1
                                    

1104h

~~~~~

        "Micca Ella! Tirahan mo na!!!"

Narinig kong nagsigawan sina Chris at Amy. Tinitigan ko lang ang shuttlecock na papalapit sa akin. Biglang nanginig ang paa ko. Baka naman mapahiya ulit ako. Oh my gad, oh my gad, oh my gaaaaaaaaaaaaaaad!!!!!!!!!!

Napapikit ako habang naramdaman ko ang lakas ng tunog ng pagtama ng shuttlecock sa racket ko. Hindi ko na nakita ang sumunod na nangyari dahil nga nakapikit ako.

        "WOW!"

Binuksan ko ulit ang mga mata ko, lumingon ako sa scorer namin...

Na--naka--naka puntos kami!!!

Ooooh my gaaad!!!

        "Magaling ka naman pala ah."

Lumingon ako kay Robin at nakita ko siyang nakangiti.

        Inspired sayo eh.

Hindi na ako nagsalita, ngumiti lang din ako sa kanya.

        "1-0!"

Sigaw nung scorer.

~~

Nagpatuloy naman kami sa paglalaro, hanggang sa naging 18-19 na ang score namin. Grabe, ang galing talagang maglara nitong si Rosella. Pati din si Robin, varsity player ng basketball? Magaling din sa badminton?? OOHW!!!

Nako, naka-habol sila. At nilamangan na nila kami ng 1 point. Nako po. Ahh, anyan pa naman sina Amy at Chris eh. Pero...gusto ko din naman patunayan ang sarili ko.

Teka....paano kung...

No. That's cheating. Hindi ko pwedeng gamitin ang telekinesis ko dito noh! Hindi ako madaya. I play fair. {eh?!}

        "Micca Ella, serve!"

Lumingon ako kay Ma'am. Ibinigay niya sa akin ang shuttlecock. Pinulot ko ang shuttlecock habang diretsong nakatingin sa kabilang team. Nakita ko si Rosella na naka-EVIL SMILE. Kinabahan tuloy ako.

Initoss ko ang shuttlecock, at buong lakas ko itong hinampas ng rocket, nanlaki naman ang mga mata ni Rosella habang nakatingin siya sa shuttlecock na parating sa kanya.

Nako po. Malakas yun ah?

Pero, magaling naman itong si Rosella, agad niyang nasalo ang shuttlecock, hinampas niya ito.

Grabe, mas malakas pa iyon kaysa sa akin ah...

        "Robin! Micca Ella! Kaya ninyo yan!"

Umatras ako para masalo ko naman yung shuttlecock.

        "Micca Ella, huwag!"

Lumingon ako kay Robin at lumingon ulit ako sa shuttlecock, lumingon din ako sa likod ko at nakita kong malapit na akong lumagpas sa linya, bigla naman akong na-out of balance.

        "AAGH!"

Napasigaw ako dahil muntik na akong matumba.

        "Micca Ella!"

Naramdaman kong may pumigil sa pagkatumba ko, pero imbis na makatayo ako, kaming dalawa ang natumba, napapikit ako habang naramdaman ang pagbagsak ko sa sahig, narinig ko naman ang mga sigawan ng mga babae kong classmates.

        "OUT!"

Sumigaw si Ma'am. Teka...out? Ibig sabihin--?

Nagtaka naman ako kung bakit medyo malambot ang kinabagsakan ko, binuksan ko ang mga mata ko at tiningnan kung anong nangyayari...nanlaki naman ang mga mata ko.

Kaming dalawa ni Robin ang natumba...

At nakapatong ako sa kanya...

oh my gaaaaaaas.

        "S---sorry!"

Umalis ako sa ibabaw niya at agad na tumayo. Inabot ko ang kamay ko sa kanya para makatayo din siya. Tumingin ulit ako sa score board.

        19-19 na ang score.

Secretly TELEKINETICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon