CHAPTER XIV

11.7K 375 6
                                    

1445h

~~~~~

Pagkatapos ng review namin sa Math, pumunta na muna ako ng canteen para bumili ng tubig. Grabe, parang nadrain ng todo ang utak ko kakasolve sa mga problems na binigay ng teacher sa amin. Hooh! I need a break. Pero salamat narin at maaga kaming dinismiss ng teacher namin, kaya may ten minutes pang natitira bago ang MAPEH class namin.

Umupo na muna ako habang uniinom ang isang bottle ng malamig na tubig. Na-uuhaw lang si Micca Ella eh. Nagulat nalang ako ng biglang may umupo sa tapat ko.

        "Well, well."

Napapikit ako at napabuntong hininga. Si bruha step sis lang naman eh.

        "I heard na pumayag ka na."

At nag-number 4 position pa siya habang naka-upo. Nagpatuloy lang ako sa pag-inom ng tubig at nagwalk out lang ako.

        "NICE TALKING, IDJIT!"

Blah blah blah. =___=

*riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!!!*

Ugh!!! FINALLY!!!

Pumunta na ako sa closet at kinuha ang P.E. uniform ko. Eh Wednesday kasi ngayon kaya, P.E. time. Badminton lang naman ang finals namin sa MAPEH.

        "Okay, students, get your rackets!"

Nauna na silang kumuha ng rackets, ayoko namang makipagsiksikan sa kanila. Pagkatapos nilang kumuha ng kanilang mga rockets, pumunta narin ako para kunin yung mga naiwan na racket.

Nakalista na din sa board ang mga teams. At sa kasamaang palad, team nina Rosella ang kalaban namin. Pssh. At mas lalong sumama ang palad ko nung nakita ko ang pangalan ni Robin sa team namin.

Parang gusto ko atang lumuhod sa gitna ng gym at sumigaw ng;

        LORD, BAKIT NIYO AKO PINARURUSAHAN NG GANITOOOOOOOOOOOOOOOO!?!?!?!?!?!

Ang OA lang, daig pa si Nora Aunor na sumigaw ng WALANG HIMALA?!

Haaaaay. Buhay nga naman.

        "Proceed to your teams."

Agad ko nang nilapitan ang mga teammates ko. As usual, hindi nila ako pinapansin. Alam niyo na. Teka nga, nasaan ba si Robin??

~~~~~

[Robin's POV]

*kriing..kriing*

Kinuha ko ang cellphone sa pocket ko.

        Incoming Call: Sam.

Sinagot ko ito.

        "Sam. Napatawag ka?"

        "Bi, asaan ka ba?"

        "Andito, pumipili ng suit na susuotin para sa prom."

        "Seriously?! During P.E. time?! Robin, may isang team dito na kulang."

        "Then?"

        "Kailangan ka nila."

        "Pssh. Kaya na nila ang sarili nila noh!"

        "Hmm. Though, I haven't mentioned na ang team nina Micca Ella ang nangangailangan sayo?"

        "H--ha?! Okay, bye!"

Binaba ko ang phone ko.

        "T--teka, sir!"

        "I'll be back!"

Nagmadali akong lumabas ng  shop, buti nalang at malapit lang ang shop sa school at nakarating ako kaagad. YES!!!

Kateam mate ko siya ngayon!

Secretly TELEKINETICWhere stories live. Discover now