Catherine Metriyanee (Part II)

5.6K 173 5
                                    

#corny :P

~~~~~

  "A—anong ginagawa mo dito?"

Tiningnan ko si Robin mula ulo hanggang paa. Bakit ba siya nandito? Ang layo ng binyahe niya ha?

"Hello."

Ngumiti siya sa akin.

Seriously??

HELLO?!

"Hello?"

Pagtataka kong tanong sa kanya.

"Oo. Bakit, may ibang term pa ba?"

Pabiro niyang tanong. Itong batang to—

"Wala ka bang....violent reaction diyan. Hindi ka sisigaw? Hindi ka masho-shock?"

Wala lang, eh kasi nakakapagtataka lang talaga, alam niya kaya na "patay" na si Micca Ella.

"Anong violent reaction? Bakit ako sisigaw? Ah, oo, sisigaw pala ako.....SA SAYA!"

Nanlaki ang mga mata ko nung bigla niya akong niyakap.

"Akala ko totoo na patay ka na. Alam mo ba na iyak ako ng iyak noong binalita na nasali ka sa pagsabog sa sinasakyan niyo nina Samantha?"

LOADING.........

"Ha?"

Bigla akong natawa.

"Iyak ng iyak?! Hahahahahahaha!!! Robin naman talaga oh!"

"Totoo ha!!!"

Sabi niya sabay taas ng isa niyang kamay ala-panatang makabayan, hindi ko mapigilan ang sarili ko na pagtawanan siya, pero...seryoso?!

"Umiyak ka talaga?"

Tanong ko ulit. Panigurado lang, tumango siya.

"Namiss kita, ang matamis mong ngiti, ang mahaba mong buhok, ang eyeglasses mo, ang lahat."

Hindi ko maintindihan ang naramdaman ko sa sinabi niya, namiss niya ako? Kikiligin ba ako, malulungkot? Teka, bakit ba ako malulungkot? Ewan ko ba.

"Robin, ikaw lang ata ang kilala kong namimiss ang eyeglasses ko, ayoko nga nun eh."

Napatawa siya ng mahina.

"Ang cute mo kayang tingnan kapag naka-eyeglasses ka."

O___O ako?! Cute??!?!

"Pero...mas maganda ka kapag wala kang eyeglasses."

Patuloy niya, bigla namang uminit ang mukha ko. Shyeeetee!!! >///<

"Micca Ella—er, Catherine...matagal ko na itong gustong itanong sayo ito. Kaso nga lang, para akong pinipigilan ng tadhana."

Tiningnan niya ako sa mata, tapos hinawakan niya ang pisngi ko, feel ko matutunaw ako. >___<

"Can you be my—-"

"ROBIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIN!!!!!!!!!!!!!!!!!"


[Robin's POV]

"ROBIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIN!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Anak ng....ano nanaman?!?!?!?!?!?!

"Rachel?"

Napalingon kaming tatlo nina Micca Ella at Samantha nung biglang sumigaw si Rachel habang tumatakbo siya patungo sa kinatatayuan namin.

"Huie! Kailan ka pa bumalik?"

Tanong niya sa akin sabay yakap, hinihingal pa siya.

"Uhh...kahapon lang, nung nalaman ko na ngayon ang birthday ni M—Catherine."

"Aaaah."

Ngumiti si Rachel.

"Nice to see you...again!"

"Pssst."

Tinawag siya ni Samantha, lumapit si Rachel kay Sam tapos may binulong siya nito, napanganga naman si Rachel.

"WHAAA—??!!?"

Sigaw ni Rachel, kaso hindi niya ito natuloy dahil tinakpan ni Sam ang bibig niya, kumawala si Rachel.

"Sorry kung nadistract kayo...hihi."

Salita ni Rachel sabay peace sign.

"Rach, maglakad-lakad muna tayo. Tara."

Hinila ni Samantha si Rachel palayo sa aming dalawa ni Micca Ella, pumunta sila sa kabilang bundok.

"Robin, ano nga ang sasabihin mo?"

Lumingon ako kay Micca Ella nung nagsalita siya.

"Uhh..."

Bigla akong kinabahan, napahinga ako ng malalim, pinaghandaan ko na ito eh, bakit ba ako kinakabahan?!

"Kasi—"

Tiningnan ko ni Micca Ella ng may pagtataka, nag-aabang siya sa sasaihin ko.

"Can you be my....my girlfriend?"

Buong tapang na tanong ko, tiningnan ko siya, nagulat siya sa sinabi ko.

Ilang segundo ding tahimik ang paligid...tapos, bigla siyang tumawa ng malakas.

"ANO?!"

Salita niya sabay tawa.

"Anong nakakatawa?"

Seryoso kong tanong sa kanya.

"Eh...AKO?! Gusto mong maging GIRLFRIND?!?! Nakakatawa ang joke mo ha!"

"Seryoso ako."

Bigla siyang natahimik sa sinabi ko. Tiningnan niya ako.

"Matagal na akong may gusto sayo, Micca Ella."

Napa-iling siya.

"Di nga?"

"Ayaw mong maniwala?"

Nagcross-arms ako, tinaasan niya naman ako ng kilay.

"Eh hindi ba, si Samantha ang mahal mo?"

"Mic, hindi totoo yung relasyon namin ni Samantha, nagkaroon lang kami ng pustahan ng mga barkada ko, at ayun, nagpanggap kami ni Samantha na kami, ang totoo kasi, bestfriends kami ni Samantha, tropa ko yun, eh para na nga kaming magkapatid eh."

Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"T—teka, ibig sabihin—??"

"Oo, wala kaming nararamdaman para sa isa't isa."

"At....b—-bakit ako?"

"Dahil ikaw ang gusto ko, dahil ikaw ang mahal ko."

"P—pero—"



Hindi ko siya pinatuloy sa pagsalita, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko, basta ko nalang siyang hinalikan.



Secretly TELEKINETICWhere stories live. Discover now