CHAPTER XXX

9.2K 278 5
                                    

2320h

X-klusibong, X-plosibong, X-POSEY!!!!!!!! (eh?? :P)

~~~~~

        "Baba ka na."

Nabalik ako bigla sa Earth nung nakita ko si Robin sa harap ko, nakabukas na rin ang pintuan ng kotse. Natulala kasi ako kanina eh.

Itinapak ko sa lupa ang dalawa kong paa, pagkatapos bumaba ako ng kotse. Tiningnan ko ang grand hall ng school namin, nakita ko rin na marami nang mga estudyanteng nandoon sa labas, iba't ibang kulay at design ng gown ang nakita ko. Grabe. First time ko ito. Wala naman kasing prom sa elementary. (hehehe.)

        "Tara?"

Lumingon ako kay Robin at inilahad niya ang kanang braso niya, dahan ko namang inilagay ang kamay ko, at naglakad na kami patungo sa grand hall. Kinabahan naman ako bigla. Okay, Inhale....exhale....inhale...inhale....inhale....inhale.....(O__o) exhale.

Si Author oh...mawawalan naman ako ng hininga niyan.

        "Whoa! Robin! Sino yang date mo?! Ang hot!!!!"

Salita ng isang barkada ni Robin habang sinasalubong kaming dalawa.

        "Anong hot?! Cool kaya yan! Skyblue oh!"

Epal ng isa pa niyang barkada.

        "Tumahimik nga kayo."

Asar na sagot ni Robin.

        "Hala. Micca Ella....is'da yoou?!?!?!"

Itinaas ko ang dalawang kilay ko.

        "Uhh. Hindi ako isda."

Napatawa naman ang barkada ni Robin.

        "Yow not fish. Yow gorgeous!"

Tinuro ako nung unang barkada niya.

        "WHOOOOOA!!!!!!!"

Sumagot naman tung isa.

Napapikit naman at napangiti si Robin.

        "Mga sira ulo talaga kayo kahit kailan, nasaan na ba ang mga date niyo?!"

        "Pare, don't you know?! Kami ang magde-date ngayon?!"

Nagholding hands pa silang dalawa. Nakakatawa.

        "Mga sira! Pumasok na nga tayo!"

~~~~~

Napanganga ako pagpasok namin sa hall. Grabe! May chandelier pang nalalaman ha. Ang elegant! Formal na formal. May mga mesa at upuan din, at by section naman kasi iyon kaya hinanap namin ni Robin ang section namin.

Nakita naman namin si Kenson kaya nilapitan namin siya agad. Sakto naman at naka-upo siya sa isa sa mga tables.

        "Yow. Ken!"

Bati ni Robin.

        "Robin! Yow!!!"

Lumingon siya sa akin at nanlaki ang mga mata niya.

        "Queen Elsa?!?! Ikaw ba yan?!"

        "Sira. Try Micca Ella Collins, yung muntikan mo nang pinabugbog last, last week."

Napakamot siya sa batok niya.

        "Eeeh. Sorry naman. Akala ko ba peace na tayo."

Napatawa naman ako ng mahina.

        "Oo peace na."

        "Haaay salamat. Appir nga diyan."

        "Appir!!"

        "Umupo na kayo."

Umupo na kaming dalawa ni Robin at naghihintay nalang na magsimula. 5:50 pa naman.

        "Kenson, sino pala ang date mo?"

Ngumiti si Kenson sa akin.

        "The girl of my dreams..."

Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

        "Sino?"

May napansin naman akong babae na lumalapit sa amin, at tinuro siya ni Kenson.

        "Siya."

Nanlaki ang mga mata ko.

        "Si Aliah?!"

Nagulat din siya nung nakita niya ako.

        "Micca Ella?! Oh my gaash! Elsa na Elsa ang peg mo ah?!"

        "Hindi naman masyado...hehehe."

        "Good evening, batch 2011-2012!! Our Seniors' Prom is about to start!"

~~~~~

Okay. Last Update for today. Antok na ako eh. Hehehe. XD

gudnyt again...:D

Wait, may note pa ako, next page please. Hihi.

Secretly TELEKINETICWhere stories live. Discover now