CHAPTER XX

10.1K 354 2
                                    

2027h

~~~~~

{Sunday evening...}

Hiniram ko na muna yung lumang sewing machine ni "Mama." Buti na nga lang at pinayagan niya ako. Heto...tinatahi ko na ang gown na isusuot ko sa prom. May nakita kasi akong magandang design sa dress shop yun nga lang, kulay yellow ito at...hindi kasya sa budget.

Pero, hindi lang kamay ang ginagamit ko sa pagtatahi. Eh malapit na kasi ang prom kaya minamadali ko nang matapos ito, y-----up. Ginagamit ko ang telekinesis ko ngayon. Nilock ko lang ang room ko para hindi makapasok sina Rosella o kahit sino.

        "WHAAAAAT?!"

Napatigil ang pagtatahi ko ng narinig ko si Rosella na sumigaw. Malapit lang ang kwarto ko sa kanya at sa lakas din ng boses niya, dinig na dinig ito sa buong bahay.

        "NO...WAY! BREAK NA KAYO NI ROBIN?!?!?!"

Tumayo ako at inilapit ko ang tenga ko sa pintuan. Tama ba ang narinig ko??????? Break na sina Samantha at Robin???

Paano?? Kailan?? BAKIIT?!?!?!?!?!

~~~~~

Ano?

No way!

Yung totoo?!?!?!

Naglalakad na ako patungo sa school at kanina ko pa talaga iyan napapansin ang mga salitang iyan.

        "Break na sina Samantha at Robin?!?!?!?!"

Oo na. Break na sila. Trending noh?!

Teka nga...bakit ba sila nagbreak?!

*riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

        "Class, kumusta ang finals ninyo?"

Tanong ng teacher namin nung nag-enter siya sa classroom.

Seriously ma'am. Okay lang kami. Na-drain lang ang utak namin dahil daig pa sa college level ang mga essays...lalong lalo na sa Noli Me Tangere! Mabuti nga at Chapter 4 lang. Ano na kaya ang mangyayari kung umabot pa kami sa 10?! Haaay.

~~

Halos lahat ng subjects, checking lang ginawa namin. Testpapers at ballpen ang kaharap namin. Eh kahit na naka-upo lang, medyo nakakapagod din. Buti na nga lang at na-imbento ang subject na "LUNCH BREAK" grabe! Gutom na ako! XD

        "Miss Micca!"

Nagulat ako nung bigla akong hinarangan ng grupo ni Kenson ng papasok na ako sa canteen.

        "Please...ma-upo ka."

Inakbayan niya ako pagkatapos hinatid niya ako sa aking uupuan. Anong kalokohan ito??? At talagang may pagkain na sa mesa ha. May kanin, fried chicken, at talagang may egg soup pa?

        "Kenson...ato 'to?"

Nag-innocent face lang siya...ano bang kalokohan ito?

        "Eh....gusto ko sana na ikaw ang maging date ko sa prom. Hindi na sana ako pupunta, kaso, nagbago ang isip ko."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

        "A---ano?!"

        "Sorry Kenson..."

Mas nagulat naman ako nung may biglang nagsalita sa likod ko.

        "May date na kasi siya."

Secretly TELEKINETICМесто, где живут истории. Откройте их для себя