CHAPTER XXXI

8.8K 249 2
                                    

0922h

M.A.N. (Manang Auwnie's Note :D)

Linggo palang talaga nagpaparamdam ang kantang ito kaya, eto na. XD

Year 2012 pero 2015 ang music...HAHAHA!!!

hayaan nalang. Hihihihi.....

~~~~~

Pagkatapos nung announcement, tumunog ang music at nagtayuan naman ang mga estudyante at nagsayawan. Parang disco. Tinawag si Kenson ng mga kasamahan niya, pinayagan din naman siya ni Aliah at ayun, nakidisco narin yung mataba. Hehehe. Si Robin naman, tumayo para kumuha ng drinks. Kaming dalawa lang ni Aliah ang naiwan na naka-upo.

        "Oh. Bakit hindi ka sumasayaw?"

Tanong ko sa kanya.

        "KJ ako eh. Joks. Masakit ang paa ko sa sandals ko, masikip kasi eh."

        "Ano ba kasi ang foot size mo?"

        "38. Kaso 37 ang suot kong sandals."

Bigla namang dumating si Robin at nagdadala ng drinks. Apat yung kinuha niya, tapos inutusan niya yung isang barkada niya na hawakan pa yung dalawang baso. Ewan ko kung softdrinks ito o juice, o wine. Nako, huwag lang ang alak.

        "Isang sprite at tatlong coke, gorgeous."

Salita ng barkada ni Robin, ala waiter, lumingon pa sa akin at nagwink.

        "Ayan, bakit kasi bowtie ang ginamit mo, mukha kang waiter tuloy."

Nagtawanan naman kaming apat.

        "Pre, disco muna ako ah!"

        "Sige, bahala ka diyan."

Umalis na yung barkada ni Robin at ayun. Nakidisco na rin. Ay, oo nga pala. Tinanggal ko ang sandals ko.

        "O, palit na muna tayo."

Nagulat naman si Aliah.

        "Ha? A--anong size yan?"

        "Size 38, magkabaliktad lang tayo. Hehe."

        "S---sigurado ka."

        "Oo naman. Eh obvious naman na gusto mong makidisco doon. Suotin mo na."

Ngumiti siya.

        "Salamat ah, kahit na tinutukso kitang multo dati, mabait ka pa rin sa akin."

        "Ano ka ba. Wala yun."

Tinanggal niya ang sandal niya tapos sinuot niya, sakto naman ito sa kanya, ibinigay niya ang sandal niya sa akin pagkatapos sinuot ko ito.

        "And FYI,"

Lumingon ako kay Aliah.

        "Ikaw ang pinakamagandang multo sa balat ng lupa."

Napatawa ako ng mahina.

        "Sige na, magdisco ka na doon."

        "Salamat ulit ha!"

        "O. Huwag mong sirain yan."

        "Haha! Oo!"

Tumakbo siya at pumunta sa mga kaibigan niya. Ewan ko hindi ko sila kilala, taga kabilang section ata. Sakto naman ang sandal niya. Pero, ayoko lang talagang magdisco. Hindi kaya ako marunong sumayaw.

        "O. Micca Ella. KJ ah?"

Tumabi sa akin si Robin na katatapos lang makipag-chikahan sa isa niyang barkada.

        "Anong KJ? Hindi ah."

Kinuha ko ang baso doon sa mesa at ininom ko yung softdrink na laman nun.

        "Eh, bakit naka-upo ka lang dito?"

        "Hindi ako marunong sumayaw."

Tumayo siya at bigla niya akong hinila.

        "Hali ka na! Huwag KJ, minsan nga lang ito oh!"

Nagulat ako at napatayo, hinila ako ni Robin palapit sa may nagsasayawan.

        "Huie, teka."

        "Hindi talent ang kailangan mo dito. Ang kailangan mo, ang mag-enjoy! Get it?!"

Nakatayo parin ako habang tinitingnan ko ang ibang mga estudyante na nagsasayawan, naramdaman ko bigla ang excitement at bigla akong napatalon at napasigaw.

        "WOOOOH!!!! BOMBS AWAAY!!!!!!"

Secretly TELEKINETICWhere stories live. Discover now