CHAPTER V

14.6K 480 6
                                    

2203h

~~~~~

"SENIORS' PROM?!"

Na-excite naman ang mga kaklase ko nung narinig nila ang announcement ni Sir. At inulit pa talaga ha. Seniors' Prom nga!! Haaaaay. Eh ano ba ang meron diyan?

"For sure, ang kapartner ni Samantha ay si Robin."

Ang sakit namang marinig iyon sa isang kaklase...ang sakit diba? Pag nalaman mong may girlfriend na ang crush mo? Hmmmmm. By partners naman pala iyan. Eh sigurado naman akong walang gustong makipagpartner sa akin. Nakabasag nga ng salamin itong mukha ko oh.

"Excited na talaga akong malaman kung sino ang magiging Prom Queen and King natin noh!"

Salita ng isa ko pang kaklase. Eh siguardo naman ako sina Samantha at Robin na yan. Si Samantha kasi ang Queen Bee ng fourth year level, ultimate crush ng bayan naman si Robin. Kaya nga wala talaga akong pag-asa. Dito lang ako, uupo sa sulok.

"Class."

Bigla namang tumigil sa pag-uusap ang mga kaklase ko.

"Pero, mauuna ang finals this March 19-20."

"AAAAAAAAHW!!!"

Nadisappoint naman silang lahat at nasira ang exitement nila. Haha! Mauuna ang finals!! Ako lang ata ang excited sa finals dito. Wahihihihihi.

*riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!!!*

Free time namin pagkatapos ng English class, at kasi naman Tuesday ngayon, sa Library ang tambay ko ngayon, M-W-F kasi sa garden, at 2T's sa Library. (2T's = Tuesday and Thursday)

*BLAAAG*

Ang mga aklat koooooo-----

Tinitigan ko ang mga aklat ko habang nahuhulog ito, pero nagulat ako nung biglang lumutang ang Araking Panlipunan book ko. As in nakalutang. Pinikit ko ang mga mata ko at binuksan ko ulit, nahulog naman ng tuluyan ang aklat ko. Pero mas agulat ako nung nakita ko kung sino ang kabangga ko.

Si Samantha Jones. Ang queen bee.

Ermergeerd!!!

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!"

Galit niyang sabi.

"P-pasensya na."

Yumuko ako para pulutin ang mga aklat ko, pero sadya niyang sinipa ang Math book ko, gumapang ako para pulutin ito, napansin ko naman na nagtinginan sa akin ang mga estudyante sa loob ng library, at as usal, ayan, pinag-uusapan nanaman ako.

Nagtago-tago nalang ako sa mga bookshelf. Haaay, napahiya nanaman.

Secretly TELEKINETICحيث تعيش القصص. اكتشف الآن