CHAPTER XIX

9.8K 367 6
                                    

1622h

~~~~~

[Samantha's POV]

Tahimik lang kaming kumakain ni Robin, walang ni-isa sa amin ang nagsalita. Ayoko naman na ako ang unang magsalita. May sasabihin sana ako. Kaso...baka magalit siya sa akin. Yumuko lang ako at sinubo yung spaghetti.

        "So, Sam."

Napa-angat ang tingin ko sa kanya nung bigla siyang nagsalita.

        "Anong occassion?"

Nagtaka naman ako sa tanong niya.

        "Occassion? Anong occassion?"

Pagtataka kong tanong.

        "Eh, hindi naman natin monthsary, wala ding nagbirthday sa isa sa atin, so...bakit tayo andito ngayon?"

Napanervous smile ako.

        "Bakit? Kailangan ba ng occassion para madate ang bf ko?"

He let out a sweet smile, pero nararamdaman ko na alam niyang may gusto akong sabihin sa kanya.

        "Sam. Kilala na kita simula ng bata tayo...so, what do you want to say?"

I answered him with a guilty smile and I sighed.

        "Bi...k--kasi. Napansin ko lang this few days..." I sighed again. "Iba ang tingin mo kay Micca Ella."

He laughed..........ridiciolously.

Me: =____=

        "Sam," nagsigh din siya pero hindi parin siya tumigil kakatawa. "Iba...iba nga ang tingin ko sayo eh."

        "Robin."

Napatigil siya. Alam niya na seryoso ako dahil pangalan na niya ang nabanggit ko.

        "Alam kong may gusto ka kay Mica Ella."

Yumuko siya at sumubo ng rice na may gravy.

        "So?"

        "Anong so?! Bakit hindi ka man lang nagsalita?"

Hindi siya sumagot, kinuha lang niya yung softdrink tapos uminom siya.

        "Robin."

        "What?!"

        "Alam mo, three years na akong nagpapanggap na girlfriend mo para diyan sa pustahan ng mga barkada mo. Yet hindi mo sinasabi sa akin na may nagugustuhan ka na? C'mon!"

        "Ok. Fine! May pagtingin nga ako sa kanya!"

        "HA!"

I clapped my hand once.

        "I knew it!"

Nakita ko naman siyang namula.

        "Uie. Namumula siya oh!!!!"

        "Huh?! Hindi ah!"

At talagang tinabunan naman ng kamay niya ang pisngi niya.

        "Pati yung tenga mo, namumula."

        "Aagh! Tumingin ka nga Sam!"

Irita niyang sabi. Eh kasi naman itong "fake" boyfriend ko, madaling ma-irita. Cute nga eh. Hihi. Maka-seryoso na nga.

        "So...anong balak mo?"

Kukuha pa sana ako ng spaghetti, kaso hindi ko namalayan na ubos na pala. Ininom ko nalang ang softdrink ko.

        "Anong balak?"

Pagtataka niyang tanong.

        "You know...hindi mo ba aaminin sa kanya? Hindi mo ba siya liligawan? Malapit na tayong maggraduate, baka hindi na ulit kayo magkita?"

        "Eh paano? Ang alam ng mga barkada ko na tayong dalawa."

        "Ano pa ba? Eh di itigil na natin itong kalokohang ito."

Secretly TELEKINETICWhere stories live. Discover now