Chapter 14 - Nang dahil kay SimSimi, may bago akong mission

11.2K 371 28
                                    

"Sasama siya sa akin pare" - sabi ni Kieth habang hinihila yung kaliwang braso ko.



"Sabi ko bitawan mo siya pare. May klase pa kami." - sabi ni Aito habang hinihila yung kanang braso ko.



"May pupuntahan kami. Mas importante yun sa klase kaya ikaw ang bumitaw" - naiinis na sabi ni Kieth habang humihila sakin ng masmalakas.



"Eh kung ayaw niya? Pipilitin mo ba?" - galit na sabi ni Aito at hinila ulit ako.



"HOY! Bitiwan nyo nga ako! Ano to? tug of war?! At ako pa ginawa nyong lubid!" - sigaw ko. Tinanggal ko yung kapit nila sa mga braso ko at galit na tumitingin sa kanila.



I know, I know. Alam ko iniisip nyo na ang swerte ko dahil pinag-aagawan ako ng dalawang napakapoging lalaki. Kung ako nasa position nyo eh iisipin ko din yun. Pero hindi pala ganun kadali kapag ikaw na mismo ang hinihila.



Hello? Masakit kaya!



At bakit kaya nandito si Aito? Eh magkaiba kami ng section. Paano niya nalaman na nandito ako?



Tumingin ako kay Kieth. "Wait lang muna okay? Kakausapin ko muna si Aito."



Nag-shrug lang siya.



Psh. Pikon.



Hinila ko si Aito palayo para hindi marinig ni Kieth ang convo namin.



"Myrah, ano ba ginagawa mo dito kasama si Kieth? Dapat nasa klase ka pa." - sabi niya



"Diba dapat ako yung tatanong sa'yo nyan?" - tanong ko.



Nabigla siya saglit sa tanong ko pero bumalik din ang composure niya.



"This is not about me Myrah. Ang sa akin lang, hindi mo dapat ginagawa to. Alam mo namang masama to diba? Cutting na kaya yang ginagawa mo" - sabi niya.



May point nga siya.



"Alam ko Aito. At tama ka, hindi ko to dapat ginagawa." - I admitted. Wala akong magawa. Tama yung tao eh.



"So tara? pasok na tayo sa school?" - aya ni Aito habang nakangiti.



"Teka magpapaalam muna ako kay Kieth." - sabi ko at pumunta ako kung saan nakatayo si Kieth.



Nang nakalapit na ako sa kanya, nakita ko na may tinetext siya. Pero ang nakaagaw ng atensyon ko ay yung keychain sa phone niya.



Guess what?



Si SimSimi ang nakakabit sa phone.



What the FUDGE?! Bakit siya may ganun?!



At hindi lang yung ordinaryong keychain ah.



Yun yung pinaka first na prototype na may pangalawang strand na buhok instead of one! Nag-iisa lang yan sa buong mundo kaya bakit nasa kanya yan?!



At hindi naman siya fan ni SimSimi!



Nasan ang hustisya! Gaahh!



Paano napunta sa kanya yan? May chance kaya na ibibigay niya sakin ang keychain na yan? Hindi naman talaga siya hilig ni SimSimi diba?



At this point, iisa lang ang nakikita ko.



My phone.....with a SimSimi keychain.



"Myrah? Bakit ka nakatunganga diyan?" - sabi ni Aito sa likuran ko.



Lumingon ako sa kanya.



"Ah Aito, hindi pa pala ako pwedeng sumama sayo" - I said apologetically.



"Ha? Bakit naman? Diba sabi mo masama ang magcutting?" - he said, confused.



"Eh nakalimutan ko nga. Hindi ako magkacutting classes. Mayroong pinapagawa si Sir CoVino sa'kin. Kaya mauna kana! Bukas nalang tayo ulit magkita! Bye! See you! Sayonara!" - dali-daling sabi ko habang tinutulak siya palayo.



Eheh....oo na guilty ako pero wala na makakapigil sakin sa new mission ko.



"Operation: Make Kieth comfortable around me so that I can get his SimSimi keychain" is a go!



Para  ginagamit ko lang siya..... pero what da heck? hindi naman niya ako gusto eh. This makes us even.



At kung hindi to uubra, eh sasabihin ko nalang na parte to sa pagbabawi niya!



Either way, panalo pa rin ako. :P



(mentally pats my back) Myrah, you are a genius.



Kieth's P.O.V.



Tingnan mo siya.... ngumingiti na parang nakadrugs....



Baliw na talaga yang babaeng yan.



Eh konting tiis nalang hindi ko na makikita ang pagmumukha niya.



Nagsi-skip siya habang palapit sa'kin.



"Tara?" - nakangiting sabi niya.



"Anyare kay Aito?" - tanong ko.



"Sabi ko sa kanya na may pinapagawa sa'kin si Sir CoVino." - she shrugged.



Eh? Akala ko ba against siya sa whole idea na to?



Sayang naman, nagplano pa akong kaladkarin siya kapag hindi siya papayag eh.



Pero ngayon na willing na siya? Where's the fun in that?



"Aaaahhh okay. Sige, follow me. " - sabi ko.



Naglakad kami patungo sa isang alley na may nakaparking na limousine.



Tinext ko kanina si Roger, driver ko, na may pupuntahan ako. Kaya ayun, hindi na rin siya tumanggi.



Nang nakalapit na kami, binuksan ko ang pinto para papasukin siya. "Sakay."



"Ha? ako? sasakay diyan?" - she asked cautiously.



"Oo. Sakay." - tipid kong sagot.



"Eh baka madumihan ko yan...... magjeep nalang kaya tayo? Hindi naman malayo yang pupuntahan natin diba? Ay! Ayun! may jeep na." - natatarantang sabi niya.



She's really trying my patience....



"Sabi ko SAKAY. " - I gave her my intense glare.



"Ayun na nga..... Sabi ko nga eh sasakay na....eto oh papasok na." - dali-daling sabi niya.



Ugh...... I have a feeling that this is gonna be a really long day.



____________________________________

Please tell me what you think! Comment po kayo!

~Ms. Author~

Nang Dahil Kay SimSimi (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang