Chapter 32 - NDKS, nagpa-cute ako

7.6K 268 16
                                    




"NO! Please Don't! Maawa ka! May anak kami!"


Sigaw ng isang babae sa taong may hawak na baril.


Tears fell from her eyes as she begged him to spare the life of his husband.


Nakahiga sa sahig ang kanyang asawa at punong-puno na ng dugo ang mukha. Halos hindi na makita ang kanyang mukha sa sobrang bugbog neto.


"Gagawin namin lahat ng gusto ng amo mo! Please! wag mo lang kami patayin! Maawa ka naman!"


Tumingin ang lalaking nakatakip ang mukha sa babaeng duguan sa sahig. Lumapit ito at tinapakan ang ulo.


The lady choked on her tears and screamed. But no one could hear them. No one can help them.


They were doomed....


The guy grabbed the lady's hair and made her look into his eyes. At dahil dun napansin ng babae ang black dragon tattoo sa braso neto.



"P-Please.... wag mo kaming patayin...I'm begging you..." - sabi ng babae habang tinitingnan ito na may dugo at luha sa mata.



Hindi nagsalita ang lalaki pero biglang nakaramdam ito ng awa. Hindi ito dapat sumuway sa utos ng kapatid. Dapat mapatay niya si Mr. De la Roe at kung sino man ang humarang sa kanya para makuha ang lahat na ari-arian nito lalong-lalo na sa mga kompanya nito at mapunta sa kapatid niya.



Pero nang nakita niya ang mukha ng babaeng nagmamakaawa sa kanya, bigla itong nanghina ng loob.



Ginusto niyang mailigtas ang babae. Pero hindi niya kayang mailigtas ang asawa nito. Dahil siya naman talaga ang puno't dulo ng pagpunta niya dito.



Kaya dali-dali niyang kinuha ang panyo neto at tinakpan ang ilong ng babae.



Biglang nakaramdam ng pagod ang babae at unti-unti niyang pinikit ang kanyang mga mata.



Pero bago pa man siya mawalan ng malay, may narinig siyang putok. Pilit niyang binuksan ang kanyang mata at nakita ang katawan ng kaniyang asawa na wala nang buhay.



Gumuho ang mundo nito pero wala siyang magawa kundi umiyak.



Tears fell from her eyes as she looked at her husbands dead body.



She forced herself to move but somehow, she couldn't.



Bigla siyang binuhat ng lalaking bumaril sa kanyang asawa at tinago sa ilalim ng kama. At the same time, may kumatok sa pintuan.



Tumayo ang lalaki at binuksan ang pinto.



"Anong ginagawa mo dito?" - tanong ng lalaking may dragon tattoo.



"I just came to make sure that you did your job. I thought you would back out" - sabi ng lalaking nakabusiness suit.



Nanlaki ang mga mata ng babae nang marinig niya ang boses ng lalaki. Alam na alam niya kung sino ang may-ari ng boses na iyon.



Unti-unti niyang pinilit na makita ang mukha ng taong iyon sa ilalim ng kama.



At nang nakita na niya, nandilim ang kanyang paningin dahil sa sobrang galit.



Nang Dahil Kay SimSimi (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें