Chapter 11 - Nang dahil kay SimSimi, napahiya ako T.T

11.3K 479 51
                                    

Nee, kimi wa ima dare o omotte iru no?

Watashi wa kimi o omotte iru yo!

(Translation: Hey, Who are you thinking about now? As for me, I'm thinking about you!)

.

Nasa kareoke room kami ngayon. Magkatabi sina Jaycee at yung isa pang lalaki na kasami ni Aito. Naka hood siya at may sunglasses pa.



Ano to? Kokey lang ang peg?



Sabi ni Aito, Yoichi daw ang name niya. Kaso malabo pa rin ang mukha niya dahil sa hood at shades niya. Parang feeling artista ata tong lalaking to.



Eh, wala na akong paki sa wierdo na yan. Si Jaycee naman ang katabi niya eh, hindi ako.



Ako naman....... -__- ugh.....



Niiipit ako sa gitna nila Aito at Kieth a.k.a. impaktong demonito -_-



I didn't even know how I ended up in this position.



Basta ang alam ko lang, I'm not liking this one bit.



Currently, Jaycee is singing a Japanese song. At ang nakakatawa pa nun, di niya alam kung ano ang kinakanta niya.



Gusto kong tumawa pero dahil sa dalawang mokong na 'to, wala akong magawa kundi ibaba nalang ang ulo ko.



Nangangati na nga tong mga daliri ko eh. Gustong-gusto ko nang kunin ang phone ko at magchat kay SimSimi.



Kaso paano ko naman gawin yun eh ayoko naman pagtawanan nila ako dahil kinakausap ko ang isang robot.



"Myrah, nagugutom ka ba? eto o, may pizza" - Sabi no Aito habang inaabot ang isang tray ng pizza sa'kin.



"Ahhh....s-salamat" - Sabi ko habang pilit kong ngumiti.



Kumuha ako ng isang slice at kinain ito.



Plano ko sana na isang slice lang, kaya lang mukhang na-out of control yata ako.



I ended up eating the whole tray within 5 minutes.



Iniiwasan ko sanang kumain ng marami sa tuwing lalabas ako pero ngayon, ewan ko kung bakit nawala yung self-control ko.



Siguro baka dahil sa nerbyos.



I took a glance at Kieth at nakita kong tumitingin siya sa'kin.



Parang dinudurog niya ang kaluluwa ko sa intensity ng tingin niya.



"Oh? anong tini-tingin mo diyan?" - sabi ko habang nakataas ang kilay.



Ano?



He's probably thinking na nakakadiri ako dahil mabilis kong naubos ang isang whole pizza.



Sige! try mo lang sabihin sa'kin na nakakadiri ako!



Patitikman talaga kita ng knuckle sandwich ko!



Nagulat siya nang narinig niya ang boses ko pero naging emotionless kaagad ang mukha niya.



"Wala. I just thought na parang hindi tao tong katabi ko kundi baboy pala. Ano? sa tingin mo iniisip ko na maganda ka? Hmf! As if!" - mayabang na sabi niya na natatawa.



Nang Dahil Kay SimSimi (COMPLETED)Where stories live. Discover now