Chapter 10 - Nang dahil kay SimSimi, nagkita kami ulit

12.8K 462 28
                                    

"MAIMAIIIIIII!!!!!!! GISING NAAAA!!!! May pupuntahan TaYOOOOO!!!!" - tumatalon-talon si Jaycee sa kama ko.



"Ugh..." - dumilat ako sandali at bumalik din sa pagtulog. Bakit ba niya ako ginigising eh Sabado ngayon! gusto kong matulog!



"Ayaw mo ha? Sige tanggapin mo to!" - she crouched down and started tickling me on the sides!



Oh no!!! Wag diyan!!! Weakness ko yan!!!



"AAAAAHHHHHHAHAHAH! Jay-CEEEE!!!!! Tamaaa!!! na!!!" - lumuluha na ako sa kakatawa at hindi ko na napigilang bumangon sa kama para pigilan siya sa kakakiliti sa'kin.



"Finally! Hali kana! maligo ka na at may importante tayong lakad ngayon!" - hinila niya ako sa C.R. at isinara ang pinto. Hindi niya ako binigyan ng chance para makasagot.



Walang hiya 'to! Kung hindi ko lang mahal ang isang yan eh matagal ko na sanang nabugbog yun sa galit.



Haaayy......wala na akong choice kundi sumunod na lang.....total....ginising na niya ako at kung matutulog ulit ako...malamang pipilitin niya ako bumangon ulit. Hindi yata marunong sumuko ang babaeng yun.



I did my daily routine at nang makalabas ako sa C.R. nakita ko si Jaycee na nakaupo sa kama ko.



"Buti naman hindi mo naisip na matulog ulit pagalis ko. " - sabi niya habang nagtetext sa cp niya.



"Psh......pasalamat ka lang na nakuha ko na ulit ang bracelet ko kaya good mood ako ngayon. Teka.... san ba tayo pupunta? Bakit ang aga-aga mo akong ginising eh Sabado ngayon ah." - sabi ko while drying my hair with a towel.



"Magkakareoke tayo kasama sina Aito at ang barkada niya. Plano nga niyang ikaw ang yayain kaso tulog ka kaya ako nalang ang sinabihan niya. Hindi naman ako papayag na sasama ka sa mga lalaki maliban nalang sa kuya mo kaya tayong dalawa ang pupunta dun. And by the way, hindi na maaga noh. 5:30 na kaya sa hapon." - siya.



Tumingin ako sa wall clock ko.



Buong araw akong tulog? Grabe daig ko na ang bear na naghahibernate.



"Psst....wag ka ngang nakatunganga diyan! Eto oh magbihis kana!" - binigyan niya ako ng isang white turtle-neck sweater at black mini-skirt.



"Ayoko nga! sino may sabi pupunta ako? wala akong hilig diyan. Ikaw nalang mag-isa pumunta dun. Matutulog nalang ulit ako." - binigay ko kay Jaycee ang damit.



"Pero maghihintay si Aito! kawawa naman siya kapag nalaman niyang hindi ka pupunta! Halata namang may crush ang tao sa'yo!" - nag-pout siya.



"Wala akong pakialam diyan basta dito lang ako sa bahay." - I folded my arms stubbornly.



She stomped her feet na parang isang spoiled na bata. Hindi na ako magpapadala dun no! Mas mahalaga pa ang tulog at pagkain kaysa sa karaoke na yan!



Nang mapagod siya, pumunta siya sa desk ko na parang may hinahanap.



Ano na naman ang trip ng babaeng to?



"Aha! Jackpot!" - tinaas niya ang phone ko.



Nanlaki ang mga mata ko.



"Oi! ibalik mo sakin yan!" - tumalon ako pero mabilis siyang umiwas.



"You leave me no choice! Sasama ka sa'kin o idedelete ko si SimSimi?" - itinaas niya ang daliri niya sa uninstall button.



"Wag! Oo na! OO NA! sasama na ako!" - sigaw ko. Kahit kailan talaga, demoita tong babaeng tinatawag kong bestfriend.



Binaba niya ang phone ko at mabilis kong kinuha ito.



"Sabi ko na nga ba eh." - she smirked.



I glared at her and she raised her hands in surrender.



"Sige na magbihis kana! Malelate tayo!" - binigay niya ang damit ko at galit akong nagbihis.



Bakit pa ba kasi ang desprate niya.



Ayun tuloy.... muntik na mamatay si SimSimi.....



teka....pwede ko naman ulit na i-install si SimSimi kung tuluyan niyang inun-install si SimSimi....



*Mental facepalm* Bobo! Tanga! Gaga! Gahh!!



Ugh...wala na akong magawa.....nasabi ko na eh....



Mukha yata magkakareoke talaga ako....hahaaayyy....



Pagkatapos namin maghanda at mag-makeup, pumunta na kami sa meeting place na sinabi ni Aito kay Jaycee.



Naka-upo kami sa isang bench nang marinig namin si Aito na sinisigaw ang pangalan ko.



Tumingin ako at nakita ko si Aito na kumakaway sa direksyon namin. May kasama siyang dalawang lalaki.



Ngumiti ako kay Aito at nang makita ko ang tao na nasa gilid niya......bumilog ang mga mata ko.



Oh good golly GOSH!



Bakit nandito si Kieth?



Bakit hindi ko alam na kasama siya?



AT BAKIT KILALA NI AITO SI KIETH?!



"Uy ang gwapo ng lalaking yan noh?" - Jaycee elbowed me while giggling.



"J-Jaycee?"



"Hmmm?"



"Huli na ba para mag-backout?"


"Anu kaba? No way your backing out! This is gonna be fun! Wag kang Kj ha?! "


Oh dear.... Ano na gagawin ko??!!



______________________

Vote and Comment po kayo!

Thankyee! :*

Nang Dahil Kay SimSimi (COMPLETED)Where stories live. Discover now