Chapter 5 - Nang dahil kay SimSimi, nawala ang bracelet ko

17.2K 523 42
                                    

Pagkatapos namin ni Aito na gumawa ng excuse letters, Nagring na ang bell namin. Signaling the start of second period classes.



Nagpaalaman na kami ni Aito at pumunta sa classrooms namin.



Habang naglalakad ako, di ko mapigil ang sarili ko na maalala ulit ang mga nangyari sa library.



Ang gwapong transfer student na si Aito Fokuda ay naging kaibigan ko! Kung sinuswerte ka nga naman oh!



Hindi lang gwapo, mabait, matalino at marunong pa siyang sumayaw at kumanta!



Bakit ko nalaman? Eh nagchikahan kasi kami kanina....nalaman ko na galing siya sa Korea at pumunta dito dahil dito naman talaga nakatira ang mga magulang niya. He's half-Japanese half-Filipino. Naging sikat na performer siya sa school niya noon. May video pa nga siyang pinakita sakin eh. At siya ang consecutive 1st sa kanila.



Graveh! nasa kanya na nga ang lahat!



Naputol ang flashback ko nang may nagflick sa ilong ko.



I looked at the person, and I found out na si Jaycee lang pala yun.



"Hoy! ba't ka nakangiti dyan na mag-isa? Para kang baliw!" - sabi niya



I shrugged. " Wala, naalala ko lang nung napagalitan ka ni Ma'am Kristen Ablir at napahiya ka sa buong klase. Ako lang kasi ang may lakas loob na maitanggol ka."



She sighed ang looked at me with guilt-filled eyes. "Mai....sorry na. Alam mo naman naiihi ako sa takot kay Ma'am eh. Patawarin mo na ako...."



I smiled "Oo na... pinapatawad na kita. Alam mo naman hindi kita matitiis eh"



Her face glowed with happiness at niyakap niya ako.



Ganito kami.... mag-aaway, tas magbabati uli.



Alam naman kasi niya ayaw kong nag-aaway kami ng matagal. Parang kapatid ko na yang si Jaycee eh.



Nagstart na ang second period namin at di ko na namalayan, tapos na ang classes namin at pauwi na ako.



I was walking along the pavement when I passed by CoVino University.



Ang school ng impaktong yun.



I took a glance at the university. Talaga namang malaki ang school na to.



May gym, school swimming pool, badminton court, volleyball court, school stadium, at basketball court.



Manonosebleed ka sa mga mayayaman dito.



Pero pagdating sa academics, talo sila sa amin.



Kami ang palaging naguuwi ng trophy sa mga contests pang academics habang sila naman sa mga extra-curricular.



Magkatabi lang ang school namin. Pero sa kabila ng rivalry, ang owner pa rin sa school na yun na si Mr. CoVino ay malapit na kaibigan ni Mr. Cabag. Siya ang principal namin.



Kaya siguro pamilyar ang mukha ng Kieth na yun. Baka sumali siya sa isang contest at dun ko na din siya nakita. Pero malabo sigurong manalo yun sa kahit anong contest. Sa ugali pa lang, talong talo na siya kay Aito.



Binawi ko ang tingin ko at kinuha ang phone ko. Swerte lang ako kasi ibinalik to agad ni mama pagkagising ko.



Alam ko naman hindi magtatagal yung galit niya eh.



Nang Dahil Kay SimSimi (COMPLETED)Where stories live. Discover now