Chapter 12 - Nang dahil kay SimSimi, naging friends na kami

11.8K 531 31
                                    

"F*CK MYRAH!!! BAKIT MO BA GINAWA YUN?!" - sigaw niya habang dahan-dahan siyang tumayo. Halatang-halata pa rin sa mukha niya na hindi pa nawawala ang sakit.



"Tinatanong pa ba yan?! Ang kapal ng mukha mong magpakita sa'kin! Pagkatapos mo kong tawaging BABOY! Magpasalamat ka nga yan lang naabutan mo! --Ano? gusto mo pa ng isa?!" - namumula na ata ako sa galit.



Tinangka kong sipaan ulit siya.



"H-Hoy! easy lang! Wag ka namang brutal! Baka tuluyan na akong hindi makaka-anak!" - madaling sabi niya habang unti-unting lumalayo sa kicking distance ko.



He waved his hands in front of me as if to block my incoming attack.



Yeah! That's right! FEAR ME! *mental evil laugh*



Binaba ko ang paa ko at tinaas ang kilay. "Sabi ko na nga ba eh..... Teka, bakit ka nga pala nandito ha? paano mo ako nahanap?"



Tumayo siya ng maayos and scratched the back of his head.



"Ehhh kasi, pumunta ako dito para *murmur* kasi....*murmur*" nahihiyang sabi niya. Ano to? Bashful lang ang peg? Parang kanina nga lang eh sumisigaw ng f*ck.



"Ano yun? hindi ko marinig. Paki ulit nga." - sabi ko habang dinidikit ko ang kamay ko sa tenga ko.



He scratched his head even harder.



Mukha nga siyang nainis sa sinabi ko.



Bakit? Sino ba ako sa tingin niya na makarinig ng ganun ka hina? Si Superwoman?



"O sige kung wala kanang sasabihin.....eh aalis nalang ako." - tumalikod ako at naglakad na palayo.



Nang nasa ika-5 step na ako, bigla siyang sumigaw.



"SABI KO, PUMUNTA AKO DITO PARA HUMINGI NG TAWAD! KASI MALI YUNG GINAWA KO! ALAM KONG NASAKTAN KITA KAYA PWEDE BA AKONG BUMAWI?!"



Teka....



Tumigil ako sa paglakad...



Tama ba ang narinig ko???



Humingi siya ng tawad?



At babawi pa?



Weeehhhh?! di nga?



Hindi ko napigilang tumawa ng malakas.



"Oi! Anu ba ang nakakatawa sa sinabi ko?" - seryosong sabi niya



I turned to face him, still clutching my stomach in laughter.



"e-eh..hahaha! k-kasi..hahaha!..ikaw?! humihingi ng tawad?! at gusto mo pang bumawi?! hahaha! sinapian ka ba?! may lagnat? o sadyang nabagok lang talaga ng malakas ang ulo mo kanina?! hahaha! parang hindi naman kapanipaniwala yang sinasabi mo eh!" - yumuko ako sa kakatawa. Naluluha na nga ako.



Sino bang hindi tatawa sa sinabi nun?



Si "I am so high and mighty" Kieth Rodrigez hihingi ng tawad?



Sa pagkakaalam ko, siya yung tipong mayabang, at mataas ang pride.


Ano kaya nakain nun?


"Seryoso ako Myrah. Narealize ko na mali talaga yung sinabi ko." - sabi niya.



"Narealize mo o sinermunan ka ni Jaycee?" -this time, tumigil na ako sa pagtawa. Pero nandun pa rin ang amusement sa mukha ko.



Nang Dahil Kay SimSimi (COMPLETED)Where stories live. Discover now