➳ inncnt_184

27 0 0
                                    

yesha's pov

umuwi pa ako dito sa bahay dahil kumuha ako ng konting gamit. kasi magcecelebrate kami sa pool resort ngayon. syempre hindi mawawala yung celebration para kay jaxvier. susunduin nga ako 'non dito para sabay na kaming dalawa sa resort.

kasama pa din namin sina mace and sebastian, syempre. pati na din yung mga ibang close friends niya at mga kateam mates niya sa volleyball team nila kasama din namin. masaya nga 'to mamaya eh. :)

pero hindi na kasama si jaemin, kasi may duty siya this night sa hospital so nauna na siyang umuwi. sa susunod nalang nalang daw siya sasama.

speaking of jaemin, may naalala ako kanina. yung palabas na kami sa gym, nag-open up kasi si jaxvier kanina sa kanya. about yvonne.

-

flashback.

lumabas na kami dito sa gym kasi tapos na talaga yung graduation. nag-uusap lang naman kaming lahat dito. pero may tumunog na phone. kay jaemin pala yun. kaya tumigil nalang muna kami at hinintay nalang namin siya.

"hello jeno... nandito pa din ako sa school... oo, babalik ako mamaya diyan... kumusta naman siya?.... mabuti naman... sige, salamat. pakibantayan mo muna, jen ha?... sige, salamat ulit.. bye."

tapos binaba niya na yung phone niya at tinignan niya kami. tapos ningitian niya kaming lahat, "tumawag lang yung kaibigan kong psychiatrist din. sorry kung distorbo."

"huy, hindi! okay lang 'no!" sabi ko sa kanya.

"hindi distorbo yun. ano ba." jaxvier at huminga siya ng malalim.

"ano.. jaem,, medyo matagal-tagal na yung nangyari kay yvonne. pero sorry if ma-open up ko 'to, pero kamusta ka na ngayon?" tanong ko sa kanya.

bigla siyang natigilan. sa tingin ko, bigla niyang naalala si yvonne. parang bigla din kumirot yung puso ko nung naalala ko si yvonne. namimiss ko siya. kung hanggang buhay pa siya hanggang ngayon, kasama namin siya at kasama namin siya ngayon para magsaya.

huminga ng malalim si jaemin at ningitian niya si jaxvier. yung ngiti na may halong sakit.

"i'm trying to let her go. pero hindi ko pa talaga kaya. i still love her." sagot niya. "but i'm doing good. i'm trying to make myself better. little by little, i will do my best to let her go."

napangiti naman ako sa sinabi niya. i suddenly remembered sebastian by his words. alam kong kaya niya ding mag-move on, just like sebastian.

sabihin niyong ang dali lang ng ipinagdadaanan niya ngayon. sa akin, mahirap yun. nakakapressure talaga. kung sino pa ang inspiration para umibig, siya pa yung nawala.

tinapik naman siya ni jax sa balikat niya at ningitian niya siya, "kaya mo yan. ikaw pa. stay positive. yvonne's resting in peace right now and alam kong ayaw niyang malungkot ka.. kaya manatili kang matatag, kahit mahirap."

"thank you, jax. i will. i will work harder for myself." jaemin.

"yes.. you must love your self and i know that there's really better person for you." dagdag ko.

ningitian ako ni jaemin, "yes. i just realized that i need to let yvonne go in my life.. because she already let go out this world."

"fighting! alam kong sasaya si yvonne kapag ganyan!" malakas na sambit ni jaxvier. tumango lang naman kami nina sebee dito.

tapos nakaramdam kami ng malakas na hangin dito. as in, malakas na hangin. ang lamig na tuloy. teka, pabigla-bigla naman 'tong hangin?

"bigla yatang nagparamdam si yvonne." nakangiting sambit ni sebee. nabigla naman ako doon, baka nga 'no?

"yvonne! graduate na ako!" masayang sambit ni jaxvier na parang kinakausap yung kalangitan tsaka mas lalo lang humangin. napangiti lang naman kami dito.

"ingatan mo kami lagi at sana wala ka na talagang galit sa amin. wag mo kaming multuhin at miss ka na namin. tsaka mahal ka ng nag-alaga sa'yo noon. sobra-sobra." nakangiting sambit ni jaxvier.

"tuloy pa sana yung love story niyo kapag hindi lang siya namatay. sayang talaga. tsaka alam ko, kung buhay si yvonne.. mamahalin ka din 'non. ikaw pa. malas lang talaga kasi.. nawala na siya. ang lungkot."

"kung kelan na mayroon nang nagmamahal sa kanya, nawala pa siya."

ningitian lang kami ni jaemin.

"ayos lang, basta mahal ko siya. yun naman yung gusto niya. tsaka tanggap ko na iniwan niya na ako kaagad.. na akala ko ay maramdaman ko ding mahal niya ako. i have so many plans to her, kung gumaling na yung utak niya."

"nahuli ko lang talaga siya nakilala. ang importante nakasama ko siya kahit minsan lang sa buhay ko. i'm glad that i helped yvonne in her life."

i feel so very bad for jaemin. sayang talaga siya para kay yvonne.

end of flashback.


-

huminga nalang ako ng malalim. nakakaawa talaga si jaemin. pero sana makilala niya na yung babae na para talaga sa kanya.

right person, wrong time.. that's what happened between jaemin and yvonne.

innocent | nininiWhere stories live. Discover now