➳ inncnt_130

37 2 2
                                    


jaxvier's pov

nakarating na kami doon sa huling ward dito at hindi muna kami pumasok dahil huminto muna si jaemin sa paglalakad. sa tingin ko, dito sa last ward si yvonne at.. nasa loob siya ngayon.

tinignan niya naman kami, "handa na ba kayong makita siya?" tanong niya sa amin.

tumango naman kaming lahat, "oo naman." sagot ko.

"teka lang.. diyan muna kayo. kakausapin ko muna siya sandali." sabi niya at napatango lang naman kami dito.

sa wakas, binuksan niya na yung pintuan at siya muna yung unang pumasok. hindi talaga bukas kaya hindi pa namin nakikita yung buong loob, kahit si yvonne.

"yvonne.. your friends that love you visited you here. behave.. okay?" dinig kong sabi niya kay yvonne. feeling ko malapit na sila.

"my friends.. that love me? who.. are they? where are them?"

nagkatinginan naman kaming lahat nung narinig namin yung boses ni yvonne. mukhang.. matino siya ngayon. pero medyo ako nanibago sa boses niya dahil.. mukhang nakakaawang pakinggan. kasi yung boses niya mahina at.. pagod.

"you will know and find them if you'll gonna behave. so.. behave okay? calm yourself." pagpapakalma ni jaemin sa kanya. kalmado lang talaga siya tsaka.. medyo malambing. "do you want to see them?"

"yes, where are they?" boses ni yvonne na parang hinahanap niya na kami.

"then behave okay? promise me that? don't think some terrible things. try to face them without getting crazy.. okay?" jaemin. "gusto ka nilang makita na matino ka. they want to talk with you. wag mo pangunahan yung mga nangyari nung nasa nakaraan."

"like what i said, try to be happy.. okay?"

"yes.. i will promise." narinig namin na sambit ni yvonne.

"good girl. wait.. i will call them." jaemin.

tsaka nakita naman namin na binalikan niya na kami dito. he smiled to us, "dali.. pasok na kayo." aya niya sa amin.

tsaka sa wakas.. pumasok na kami ni yesha at sebastian sa loob. hindi siya talaga malawak. maliit lang para sa isang tao. tapos may nakita kaming.. parang kulungan. may isang kama, mesa.. at maraming kalat sa loob. basta ang gulo sa loob. tsaka nakita namin si yvonne na nasa loob.

napatingin lang naman kami sa kanya at halos nabigla ako nung nakita ko siya. ngayon ko lang siya kasi nagkita ulit. nakasuot siya ng puting damit na mahaba at medyo magulo yung buhok niya.

napatingin lang naman siya sa amin. mukhang nagulat siya nung nakita niya kami. kaso lang.. naaawa ako sa kanya dahil parang nasaktan siya nung nakita niya kami. pero iniwas niya ang tingin niya sa amin at napahawak lang doon siya sa grills.

tapos napansin kong parang iiyak na siya. nag-aalala naman ako bigla. baka kasi mabaliw siya. mukhang hindi niya kami kayang tignan.

lumapit naman si jaemin sa kanya. nasa labas siya nung kulungan niya, "yvonne? why? what are you thinking?" tanong niya sa kanya at talagang sinusubukan niyang tignan sa mata si yvonne.

tsaka nakita naman namin na umiiyak na talaga si yvonne. nakakaawa naman siya ngayon sa totoo lang, "i can't face them.. i'm shy." ang hina ng boses niya.

magsasalita na sana si jaemin. pero nagulat kami na agad lumapit si yesha kay yvonne. sa dahilan na napaatras si jaemin at kaharap na ni yvonne si yesha.

"yvonne.. wala ka dapat na ikahiya sa amin. kami dapat yung mahiya sa'yo dahil ang lakas pa ng loob namin na magpakita sayo kahit kami naman yung rason kung bakit ka nandito." sabi sa kanya ni yesha. ipinagmamasdan ko lang naman si yvonne.

naiilang siya kay yesha na umiiyak. minsan pa, napapatingin siya sa akin ng madalian lang.

"kami nga dapat magsorry sayo. i'm so sorry yvonne. hindi ko alam kung paano kami makakabawi sa'yo para maging maayos ka na." nagsimulang umiyak si yesha. "yvonne.. sorry dahil hindi namin alam na magkakaganito ka. sorry dahil naging manhid man lang kami dahil hindi namin inaaasahan na masasaktan ka ng sobra."

"sorry dahil kami ang may dahilan ng pagkalimot mo sa sarili mo."

"pero yvonne.. sana mapatawad mo pa kami nina jaxvier. sorry talaga. isa lang ang hinihiling ko na.. sana.. alalahanin mo yung sarili mo. i hope you can survive. sana may chance pa." sabi ni yesha. "kahit wag mo na kami isipin, yvonne. kaya mo 'to. this is for yourself. hindi para sa amin." dagdag niya.

natutulala lang naman si yvonne sa kanya habang umiiyak. huminga ako ng malalim at medyo din akong lumapit sa kanya. may gusto din akong sabihin sa kanya.

"and yvonne.. don't say that no one loves you. maraming nagmamahal sa'yo, kami. sadyang naging manhid ka kasi binuhos mo yung buong pagmamahal mo sa maling tao.. sa akin." sabi ko sa kanya sa dahilan na nilipat niya ang tingin niya sa akin. hindi siya makatingin ng diretso sa mata ko. "you shouldn't waste your love and self to wrong person. don't torture yourself just because of me."

i managed to smile, "yvonne.. i'm so sorry for making your life miserable. wala akong nagawa para sa ikabubuti ng sarili mo. pero yvonne.. sapat na sa akin na gumaling ka. ipagdadasal kita palagi kahit alam kong maraming nangyari na kaguluhan." sabi ko sa kanya at wala pa din siyang may sinabi kundi umiiyak pa din siya.

"sana sa panahon na 'to, importante na mahalin mo yung sarili mo. tsaka alamin mo na.. hindi ka lang nag-iisa. nandito kami. hindi kami mawawala sa tabi mo." sabi ni sebastian mula sa likod namin.

"hihintayin ka namin, yvonne." sabi ni yesha na nakangiti sa kanya.

ipinagmasdan at hinihintay lang naman namin na magsalita si yvonne. pero nakatingin lang naman siya sa amin at hanggang ngayon..umiiyak pa din siya. ayaw niyang tumigil sa kakaiyak habang nakatingin siya sa amin.

lumapit din si jaemin dito, "yvonne.. what's on your mind?" tanong niya sa kanya. sana.. hindi siya mabaliw ngayon.

nung tinanong niya yun sa kanya, napatingin ulit si yvonne sa amin. nakita naming huminga siya ng malalim at parang handa na siyang magsalita sa harapan namin. mukhang may sasabihin siya sa amin.

"i don't----"

naputol ang sinasabi niya dahil... bumukas yung pinto at..

"anong kaputanginahan na naman 'to?!" dinig namin galing sa isang boses ng matandang babae sa dahilan na napaharap kaming lahat doon. natigilan naman kami nung nakita namin siya. tangina.. paano na 'to?

delikado.

"ang kapal ng mukha niyong pumunta dito sa anak ko?!"

who else is angry and heartless to us? of course, it's only yvonne's stupid mother, tita emily.

innocent | nininiWhere stories live. Discover now