➳ inncnt_135

32 1 0
                                    

sebastian's pov

tapos na yung classes at nandito naman ako sa field. nanonood sa mga students na naglalaro ng volleyball. pero nagtataka ako kung saan sina jaxvier at yesha. parang sila lang wala na players doon. pero baka, nagdadate lang.

alam niyo naman, maayos na yung sitwasyon nila ngayon.

"ijo."

napaharap naman ako sa lalaking boses na yun na galing sa gilid ko. lalaki siyang nakaitim na jacket at mukhang matanda na siya.

"po?" tanong ko sa kanya.

"pwede mo ba ako samahan kung nasaan ang cr? hindi ko kasi alam." sabi niya sa akin kaagad.

natigilan naman ako doon at saglit lang akong napatingin sa kanya. pero maya-maya, napatango nalang ako ng tuluyan. tutulungan ko nalang siya.

napatayo naman ako at ningitian siya, "sige po.. sasamahan ko na po kayo." sabi ko sa kanya at napatango naman siya. katakot naman 'to. ang seryoso niya.

sinusundan niya lang naman ako kung saan ako papunta. awkward nga. syempre, hindi kami magkakilala. ako pa kasi yung tinanong. djoke lang. nagtatanong lang naman kung saan yung cr.

nung malapit na kami sa cr, wala pang tao dito. nung nakarating na kami doon, napatigil naman ako at tinuro ko yung restroom, "dito po." sabi ko sa kanya at tumango lang siya.

"alis na po ako." paalam ko sa kanya pero hindi ko inaasahan na bigla niya akong hinila at sinuntok sa gilid ko. may nilagay pa siyang panyo sa bibig ko sa dahilan na nahihilo ako.

bakit ba niya 'to ginagawa sa akin?

"hindi.. ako makahinga." nanghihinang sambit ko at ramdam kong mawawala akong malay.

"wag kang mag-alala, parehas lang kayo ng mga kaibigan mo. hindi ka nag-iisa." dinig kong sambit niya bago ako mawalan ng malay.

mga kaibigan? may biniktima din ba siya tulad ko?

pero bakit kailangan niyang gawin 'to?

innocent | nininiWhere stories live. Discover now