➳ inncnt_98

44 3 0
                                    

jaxvier's pov

kinabukasan...

nandito na ako ulit sa hospital para bantayan at hintayin na magising si yesha. mga alas syete ako nakarating dito at maaga nga. sa totoo lang, ako na talaga ang nagprisinta na magbantay kay yesha. buti nalang pumayag sila. gustong-gusto ko na talaga siyang magising.

nakaupo lang naman ako dito sa gilid ng kama niya at ipinagmamasdan ko lang yung maamo niyang mukha. ang sobrang inosente niya.. para masaktan lang.

naguilty ako at sinisisi ko ang sarili ko doon. kasi kung wala ako, hindi 'to mangyayari sa kanya.. at lalo na hindi mababaliw si yvonne sa'kin.

ngumiti ako ng pilit at hinawakan ko ng mahigpit yung kamay niya. saglit ko siyang tinititigan.. then yeah. flashbacks are coming on my mind. flashbacks that she's happy and always smiling when she's with me.

"hi babe." bati ko sa kanya. "gumising ka na oh. hindi ko na talaga matiis na nakikita kang ganyan. sobrang.. miss na miss na kita kahit dalawang araw pa lang ang nakalipas." dagdag ko.

"hindi talaga ako makatulog o makakain ng maayos. nakukulangan ako. hindi ako sanay na nasa ganito ang sitwasyon. pero di'ba gigising at lalaban ka? alam ko namang malakas ka eh."

hindi ko alam kung nagmumukha akong bakla or korni dito pero nagsisimula naman akong umiiyak dito sa kanyang harapan.

"wake up. galit ka pa sa akin tapos ganito nalang. hindi mo man lang ako pinagpaliwanag. nangyari pa 'to sa'yo." sabi ko. "gusto ko magkaayos pa tayong dalawa. gusto na talaga kitang pasayahin. i'm sorry." naiiyak na sambit ko.

balak ko sana siyang halikan sa kanyang pisngi pero oo nga pala, may sugat siya doon. kaya hinawakan ko nalang yung pisngi niya, "hindi ako susuko sa'yo. hihintayin kita. mahal kita." sabi kong naiiyak at hinawakan ko uli ang kamay niya.

pero maya-maya, halos natigilan ako nung naramdaman kong napapahawak din yung kamay niya sa akin. pero baka.. nananaginip lang ako dahil miss ko na siya.

nilakihan ko pa yung mata ko at nakahawak na din sa kamay ko si yesha at gumalaw yun. dahan-dahan ko siyang tinignan. halos nanlaki ang mata ko nung nakikita kong binubuksan niya yung mata niya. pero sa huli.. hindi ko mapigilan na mapangiti ng sobra.

"babe?" hindi makapaniwala na tawag ko sa kanya.

tsaka nagtama na yung tingin namin sa isa't isa at hinawakan ko lang naman yung kamay niya. mukhang mahina pa din talaga siyang tignan at mukhang hindi niya pa kaya.

"j.. jaxvier." mahinang tawag niya sa akin at nakita kong ningitian niya pa din ako kahit na nahihirapan siya. my heart suddenly feels happy right now.

hindi ko naman mapigilan na maiyak lalo at hinigpitan ko lang ang pagkahawak ko sa kamay niya, "sa wakas.. gising ka na. pinag-alala mo kaming lahat. i'm so happy." sabi ko sa kanya.

"akala ko nga.. mamamatay na ako ngayon." sabi niya sa akin at napailing naman ako doon.

"no, don't say that. it's too early for that." sabi ko sa kanya at inayos ko yung gilid ng buhok niya. "how are you feeling?"

"mahirap.. masakit at ramdam ko nanghihina ako ngayon." sabi niya at mas umiyak naman ako doon, "bakit ka ba umiiyak?" tanong niya sa akin at dahan-dahan niyang pinunasan yung mga luha sa mata ko gamit ang kamay niya.

habang ginagawa niya yun sa akin, napangiti ako kahit naiiyak pa din ako, "sorry. kasi.. dahil sa akin, naranasan mo 'to lahat-lahat. hindi mo 'to dapat naramdaman eh. pero dahil sa akin, simula ng makilala mo ako.. nahihirapan ka na. sorry." sabi ko sa kanya.

she smiled to me, "no one's perfect. tsaka hindi mo naman kasalanan lahat. wag kang mag-alala, lalabanan ko 'to. kaya ko 'to."

because of her words, i slowly hugged her. i miss hugging her like this, "i know. and i'm thankful because you already woke up. and finally, masasabi ko na din sa'yo yung totoo. alam kong.. galit ka pa sa akin." sabi ko at halos hindi siya makapagsalita nung sinabi ko yun sa kanya.

bago pa siya magsalita, inunahan ko na siya, "babe.. gusto ko lang sabihin na mali yung iniisip mo. hindi ko ginusto yun. sorry---"

hindi natapos yung sasabihin ko sa kanya dahil may mga nars at doktor na pumasok dito sa loob. wala akong magawa kundi huminga ng malalim. yun na eh. >.< sasabihin ko na sa kanya.

sinabi ko na din sa doktor na gising na si yesha at masaya naman sila about doon. ipapaalam na nga nila kaagad sa mga parents ni yesha. yun lang, saglit nila akong pinalabas kasi daw ichecheck-up lang daw si yesha ng madalian.

"mamaya mo nalang sasabihin yun. makikinig ako." naaalala kong sabi niya kanina nung palabas ako sa room niya.

nandito nga ako sa labas. naghihintay na lumabas yung mga nars at doktor. medyo matagal pa nga sila eh. basta ang importante, nagising na uli si yesha. hindi ko mapigilan na mapangiti dito. tsaka.. pinapangako ko talaga na hindi ko na siyang hahayaang mag-isa at hayaang galawin siya ng mga tao.

kahit ako nalang yung galawin nila, ayos lang sa akin. wag lang yung taong mahal ko.

kinuha ko nalang yung phone ko para i-chat si sebastian, supportive na karibal ko sa kay yesha. alam kong sasaya din yun pag malaman niyang gising na si yesha.

-

innocent | nininiWhere stories live. Discover now