➳ inncnt_93

40 2 0
                                    

TW :
contains person with
mental illness scenes

-


mace's pov

sumama ako sa mga leaders at pulis na humahabol sa kanya. gaga eh, gusto nga lang siyang tanungin kung bakit niya nabangga si yesha. pero patuloy pa din siyang tumatakas eh natatakot yata. guilty lang yun!

pero mabuti naman nahabol din siya ng mga kasama namin. hinihila pa siya ng mga pulis papuntang admin office eh parang gustong bumitaw ni yvonne sa kanila.

"bitawan niyo ako! ano bang kailangan niyo sa akin?!" reklamo pa ni yvonne habang nagpapahila sa mga pulis. dapat diretso na yan ikulong eh! ang kapal ng mukha niya!

"kailangan may pag-usapan tayo ng dahil sa nangyaring aksidente kanina, miss. nakasali ka doon at pasensiya na talaga sa abala." sabi sa kanya ng pulis.

"ano ba?! wala kayong makukuha sa akin!" sigaw niya pa. aba gaga siya ah!

huminga ako ng malalim at dahil sa inis ko, nagsalita na din ako, "wag niyong pansinin ang babaeng yan sir! tsaka ikaw yvonne.. tumahimik ka diyan! panagutan mo ang nangyari!" naiinis na sigaw ko sa kanya at ang sama-sama lang naman ng tingin niya sa akin.

"shut up, mace! wala kang alam!" sigaw niya sa akin at nanlaki naman ang mata ko ng dahil doon. did she just said that to beautiful me?!

"ano?! nanggaling mismo yan sa'yo?! ako pang may walang alam?!" sigaw ko sa kanya at sinasaway lang naman ako ng mga kasama ko na tumigil.

"ano ba mace! tumigil ka nga diyan!" pigil sa akin ni gayle, kaklase ko. hindi ko lang siya pinansin kasi ang sarap patulan ni yvonne.

"bakit ba?! eh sinabihan ako ng walang alam ng babae na yan!" sigaw ko at sinamaan ko ng tingin ko si yvonne. "ang sama mo!"

"damn you, mace! how dare you to say that to me!" galit na sambit sa akin ni yvonne.

dahil napansin kong gusto niyang tumakas sa pagkahawak ng pulis sa kanya, lumapit ako sa harapan nila at hinila ko mismo yung buhok ni yvonne at ikinaladkad ko siya papuntang admin office. babagal at ang hihina ng mga pulis. wala namang silbi yung mga ibang leaders na kasama ko dito.

"ano ba, miss! maawa ka naman sa kanya!" saway sa akin ng mga pulis pero hindi ako tumigil at mas hinila ko lang yung buhok niya. gigil na gigil na talaga ako sa kanya. ><

"arayyyyyy!"

"anong maaawa sa kanya?! hindi! kulang pa yan! bagay lang 'to kanya! bakit?! siya?! naawa ba siya kay yesha?! naawa ba siya sa mga araw na sinaktan at ginulo niya si yesha?! naawa ba siya sa kanila ni jaxvier?! di'ba wala?! hindi siya naawa kahit minsan! masaya pa nga yan kapag nasasaktan si yesha eh!" sigaw ko habang patuloy ko pa ding hinihila si yvonne sa buhok niya.

"tama na mace-- aray!"

"nasasaktan yung tao, miss."

"eh ano naman?! mas nasaktan yung mga kaibigan ko, sir! mas sinaktan niya si yesha!" sigaw ko.

"teka.. ano bang pinagsasabi mo diyan, mace?" nagtatakang tanong sa akin ni gayle.

"hindi niyo talaga kilala ang totoong ugali ni yvonne! wala talaga kayong alam! tsaka ikaw yvonne.. wag kang mahiya na malaman ng lahat ang totoong ugali mo!" sigaw at tamang-tama.. nakarating na kami sa admin office. agad kong binuksan yung pintuan at pagpasok namin doon, kaagad kong binitawan yung buhok ni yvonne at tinulak siya ng padabog sa upuan sa dahilan na malapit na siyang mauntog. HAHAHAHAHA!

innocent | nininiWhere stories live. Discover now