➳ inncnt_9O

68 4 2
                                    

sebastian's pov

nung inamin ko yun sa kanya, nagkaroon naman ng matinding katahimikan dito. pero bago pa siya magsalita at magalit pa siya sa akin, inunahan ko na siya kaagad.

"pero kahit ganun jax, hindi ko inisip yung naramdaman ko. oo masakit sa kalooban ko na hindi niya din ako mahal. kasi nandiyan ka. pero masaya ako sa inyong dalawa. kung saan masaya si yesha, masaya na din ako. hindi ako katulad ni yvonne. mas inintindi ko yung kasayahan ng taong mahal ko kesa sakin. kasayahan ko na din kung saan siya masaya." sabi ko sa kanya.

"alam na din ni yesha yung tungkol dito. pero hindi lang namin pinaalam sa'yo kasi ayaw ko na ng gulo. alam kong magagalit ka sa'kin. she kept saying sorry because she didn't feel my love." dagdag ko sa kanya.

medyo napatawa ako ngayon, "pero sabi ko okay lang. hindi niya ako kailangang isipin. sabi ko nga, gagawin ko nalang na magmove on. kahit mahal ko siya, i need to let her go for the peace of my heart."

tinignan ko si jaxvier, "mahal na mahal ko si yesha kung alam mo lang. i never asked her to love me back. masakit.. pero masaya. okay na sa akin na.. hanggang kaibigan lang ako."

"kahit nakakagago ka na din minsan, support ako sa inyo. umayos ka nga, jax! mahal ka ni yesha at boto ako sa'yo eh. wag ka ngang maging tanga! pasayahin at protektahan mo siya."

"hindi ako magdadalawang isip na kunin siya sa'yo kapag sasayangin mo lang siya, jax." biro ko sa kanya at kahit naiiyak ako, napatawa ako na parang baliw dito, "dejoke lang. alam ko naman na hindi mo na yun gagawin sa kanya." dagdag ko sa kanya.

nakita ko naman na lumayo siya kay yesha at lumapit naman siya dito sa aking harapan. ningitian niya naman ako, hanggang ngayon.. may mga luha pa din na tumutulo sa kanyang mukha. hindi ko naman inaasahan na binigyan niya ako ng 'bro hug'.

"salamat, sebastian. salamat dahil kahit ganito ako, never kang bumawi para bawiin siya sa akin. thank you dahil sinusuportahan mo kaming dalawa." sabi niyang naiiyak.

brinohug ko din siya pabalik at medyo natawa ako sa sinabi niya, "bakit ko naman gagawin yun? hindi ko yun gagawin sa inyo. kahit nakakainis ka na talaga minsan, hindi ko magawa dahil naiintindihan pa din kita. nagkamali ka lang naman at wala naman talagang perpekto."

bumitaw ako at ningitian ko siya, "please.. protektahan at pasayahin mo si yesha pag magising siya. yun lang ang gusto kong mangyari. si yvonne lang talaga ang hadlang dito sa totoo lang."

ningitian niya naman ako at tumango siya, "alam kong napakagago ko para hayaan siyang mag-isa. dahil sa nangyari, hindi na ako papayag na mangyari 'to ulit. natatakot na din ako. sa ngayon, proprotektahan ko na talaga si yesha dahil masakit siyang makitang ganito. bahala na ako na yung masagasaan o ano. bibigyan ko na talaga siya ng oras at sasamahan ko na siya palagi. higit sa lahat, papasayahin ko na talaga siya ng sobra. ang sobrang dami ko na talagang pagkukulang sa kanya."

"sana ako nalang nga.. yung nakahiga diyan at nawalan ng malay. deserve ko naman yun."

napailing naman ako, "wag mong sabihin yan. hindi niyo deserve pareho yan. kailangan niyo lang talagang mag-ingat sa mga taong balak kayong sirain. deserve niyong maging masaya, okay? may isa lang talagang bobo na ayaw kayong tanggapin at walang realization. kaya 'to nangyayari. dapat yan ikulong si yvonne eh." sabi ko sa kanya.

ningitian niya naman ako, "salamat talaga, sebastian. sana ganyan din sana si yvonne. tsaka.. hinding-hindi ko mapapatawad si yvonne sa ginawa niya. ang sobrang kapal ng mukha niya para gantuhin si yesha."

"sino ba naman kasi ang matutuwa sa ginawa niya? lahat na gustong gawin para lang manggulo eh." sabi ko sa kanya. "tsaka ano na naman ba ang nangyari? akala ko ba.. okay na kayo? okay na kay yvonne? pero ano yung sinasabi mong iniiwasan ka ni yesha? ano yun?" tanong ko sa kanya.

innocent | nininiWhere stories live. Discover now