➳ inncnt_129

28 1 0
                                    

jaxvier's pov

"hindi halata na.. psychiatrist ka." sabi ni sebastian.

"ah, as in? ikaw pala yung.. nag-aalaga sa kanya kung ganun?" tanong sa kanya ni yesha. mukhang hindi din sila makapaniwala.

"mukhang hindi, pero oo. matagal ko na siyang inaalagaan." sabi niya at patuloy niya siya uli sa paglalakad at ganun nalang din kami.

huminga ako ng malalim, "uy sorry pala pinagkamalan kitang janitor ha? ang bata mo pa kasi para maging psychiatrist lang. kaya mo yun?" tanong ko sa kanya.

natawa naman siya, "hindi, okay lang." sabi niya. "oo naman.. isa pa, ginusto ko 'tong trabaho na 'to. so.. nasanay na ako." sagot niya sa akin at napatango nalang kaming tatlo dito.

"kaya pala di ka takot dito sa loob ng mental. nakakatakot talaga dito eh." sabi ni sebastian.

"sa totoo lang, pero dahil dito ako nagtratrabaho.. hindi na ako natatakot at nasanay na ako na makipag-usap at makisama sa mga baliw." sabi niya at napatingin lang naman ako sa kanya. ang sobrang hirap naman ng trabaho na yun.

"jaemin.. kamusta si yvonne ngayon? gumagaling na ba siya?" tanong ni yesha sa kanya.

he just smiled, "she's fine. ang sobrang hirap niyang alagaan pero.. unting-unti naman siyang gumagaling. nakakaintindi na din siya ng mga bagay-bagay pero.. may time pa din talaga na nababaliw siya." sabi niya at nakahinga naman kami ng maluway doon. buti nalang talaga.

"tsaka kayo pala si jaxvier at yesha.. right?" tanong niya sa amin at napatango lang naman kami ni yesha.

"lagi niya kayong binabanggit sa akin. but I'm here always at her side to help her. masaya nga ako dahil.. medyo nagiging okay na siya pagdating sa inyo." nakangiting sambit niya at napangiti naman kaming tatlo doon.

"mabuti naman yun kapag ganun." masayang sambit ni yesha.

"yes, i know. she really wants to be happy again. she really tries to be happy to the both of you. pero nahihirapan pa talaga siya kasi hindi yun madali. but don't worry, i'm here always to help her.. to let her realize some things." sabi niya. "and help her to love herself."

"thank you talaga ha? kami nga yung may rason kung bakit siya nagkaganyan, wala pa kaming naitulong." sabi ko sa kanya.

"wala yun! i'm genuine to help her. gusto ko din naman siyang gumaling. sayang yung sarili niya." sabi niyang nakangiti sa amin.

"okay lang ba na makita niya kami? mababaliw ba siya?" tanong ni sebastian.

"we don't know, it depends. pero baka hindi naman, medyo okay na siya. tsaka.. matino naman siya ngayon. sana nga hindi siya mabaliw pag makita niya kayo tulad nung nangyayari sa mama niya." sabi niya sa dahilan na nagtaka kami. kay tita emily?

"mama niya? bakit?" tanong ni yesha.

"pag pumupunta kasi yung mama niya para bisitahin siya, nababaliw siya kaagad. hindi man lang siya naging matino sa mama niya at pinapaalis niya pa 'to. sinusubukan ko siyang kinausap about sa mama niya pero.. hindi ko alam. pag si mama yung usapan niya, nababaliw siya." kwento niya at nabigla naman kami doon.

"totoo? nakakaawa naman yung mama niya pag pumupunta dito kasi nababaliw yung anak niya." sebastian.

"nakakaawa nga. hindi niya man makausap. pero yun na.. lagi nalang talagang ganun. kaya nga minsanan nalang siyang pumupunta dito." sabi ni jaemin. "isa din siya sa rason kung bakit hindi pa siya gumagaling si yvonne. pero susubukin ko yung galing ko na suriin siya tungkol doon. mahirap pa ngayon. pag tinatanong ko siya.. nababaliw kaagad at para bang ayaw niyang pag-usapan yun." dagdag niya.

"kaya mo yan, jaemin. alam naman naming magaling ka." sabi ni yesha at sumang-ayon naman kami doon.

"salamat." sabi niya sa amin.

"baka umakto yun ng nakakaiba pag makita kami?" paninigurado ko sa kanya.

"okay lang.. nasa kulungan naman yun tsaka hindi niya naman kayo magugulo kung mangyari man yun. tsaka kaya ko naman yun pakalmahin sa pamamagitan ng pananakot sa kanya ng.. pampatulog." sabi niya at napatango nalang kami doon.

tsaka patuloy lang naman kami sa paglalakad dito. may inakyatan kaming second floor. ang ingay na naman dito. tsaka may nadadaanan kaming mga unit na para bang.. prisinto? pero hindi naman. parang style lang nung mga wards dito. pag dumadaan kami dito, nagkakatinginan lang naman yung mga baliw sa amin.

pota, ang nakakatakot talaga yung ningingitian pa kami. ang haggard nilang tignan lahat. nakakaawa sila. tapos aakma pa silang lalabas. minsan nga nilalabas yung kamay nila para takutin kami. legit yung takot ko pag tumatawa pa sila. kaya nakahawak lang ako sa kamay ni yesha tapos sumusunod lang kami ng mabilis kay jaemin.

"wag kayong matakot, hinding-hindi yan sila makakalabas. matibay ang mga wards dito." paalala sa amin ni jaemin. tsaka umakyat naman kami sa third floor. ang layo naman pala ng area ni yvonne.

"malapit nalang tayo." sabi niya. unting-unti naman akong kinakabahan dito. hindi ko talaga alam.

pero sana talaga ayos lang si yvonne pag makita niya kami nina yesha.

innocent | nininiDonde viven las historias. Descúbrelo ahora