➳ inncnt_182

21 0 0
                                    

yesha's pov

papunta na ako sa gym. by the way, kasama ko na ngayon si mace, sebastian and jaemin. yes.. si jaemin, yung psychiatrist. kung nagtataka kayo kung bakit kasama namin siya.. tito niya kasi yung guest speaker at nung nalaman niyang sa amin na school yung pupuntahan ng tito niya, sumama nalang siya dahil alam niyang graduating na si jaxvier. alam na din yun ni jax.

tsaka papunta na kami ngayon sa gym. hinahanap namin si jax. amp, hindi pa kami nagkikita. siguro busy na kasi nga.. this is the day.

habang naglalakad kami, dinouble check ko yung paper bag ko. tapos bigla namang napatanong si mace sa akin.

"kanina ka pa napapadouble check diyan cap ah?" natatawa niyang tanong sa akin.

napatingin naman ako sa kanya at ningitian ko siya, "ah, oo.. sinisigurado lang naman."

"garlands?" nakangiting tanong sa'kin ni jaemin.

napatango naman ako, "oo. para sa kanya 'to." sagot ko.

"hala, meron din kami oh." sabi ni mace at parehas nilang ipinakita ni sebee yung garlands with candies.

"perfume nalang sa'kin." natatawang sambit ni jaemin tapos pinakita niya yung hawak niyang perfume.

napangiti nalang ako sa kanila, "okay na yan. i know maappreciate niya yan. bigay natin sa kanya after graduation." neexcite kong sambit sa kanila at napatango naman sila.

kaya tinago nalang muna namin yung mga garlands namin.

papasok pa lang kami sa gym at tamang-tama na nakasalubong namin si jax. hindi ko naman mapigilan na mapangiti.

"babeeee!"

ningitian niya din ako. nilapitan ko siya at niyakap ko siya ng mahigpit. tsaka napabitaw naman ako bigla sa kanya. nakita niya naman yung mga kasama ko.

"ah.. good morning." sabay na bati ni jaemin at sebastian sa kanya.

"napakapogi naman ng salutatorian namin ngayon." nakangiting sambit ni mace sa kanya at syempre.. napatango ako doon.

natawa bigla si jaxvier at ngumiti siya, "ikaw talaga mace, salamat. buti talaga nakapunta kayo."

"hindi ka naman kasi papayag pag wala kami sa graduation mo." natatawang sambit ni sebee. natawa naman kami dito.

pinilit talaga kasi sila ni jax na dapat pumunta sila. ><

"yun nga eh. salamat doon. tsaka sa'yo din.. jaemin. baka nadistorbo pa kita sa shift mo." natatawang sambit ni jax.

ngumiti naman si jaemin, "wala yun, tsaka hindi 'no. wala naman akong schedule ngayon at reliever ko na muna yung pumalit sa patient ko. tamang-tama na tito ko yung guest speaker, sumama nalang din ako para suportahan ka."

"nakakatuwa naman yan. salamat talaga." jaxvier. "magsstart na maya-maya yung program namin. doon na kayo sa mga seats niyo." sabi niya sa amin at napatango naman kami lahat.

bago pa kami pumunta doon, napatingin muna siya sa akin. he gave me his sweet smile. medyo ginulo niya yung buhok ko, "babe.. hindi pa din ako makapaniwala. ngayon na talaga."

"oo nga! ngayon na, babe. kaya mo 'to! nandito lang ako, kami." pagchecheer ko sa kanya.

"oo nga, good luck!" mga kasama namin dito.

huminga siya ng malalim at ngumiti siya, "ya, right. thank you sa inyo." tapos ibinalik niya ang tingin niya sa akin.

"thank you too, babe. you're the only reason why i keep going on my life, just for you."

innocent | nininiМесто, где живут истории. Откройте их для себя