➳ inncnt_97

42 2 0
                                    

sebastian's pov

nag-general cleaning kami ngayong hapon sa buong school kasi may gaganapin daw na evaluation next week. nung tapos na kami, nagpahinga muna kaming lahat sa gym. ang dami naming nilinasan dito tapos isa pa, ang dumi kasi ng ibang areas. habang nagpapahinga akong mag-isa dito sa gilid, biglang...

"hoy."

napaharap naman ako kung sino yung nag-hoy sa akin. si mace lang naman pala. akala ko kung sino. lalim ng pagka-hoy sa akin. >.<

"hi mace." bati ko sa kanya at ningitian niya lang naman ako. tumabi naman siya sa akin at huminga lang naman siya ng malalim.

"napagod ako sa kakalinis dito sa school." reklamo niya at natawa lang naman ako ng tuluyan.

"ikaw lang ba yung napagod? ako nga din." pagtutulad ko sa kanya. "pero worth it naman yun para sa gaganapin na evaluation." dagdag ko at napatango lang naman siya.

"tama ka nga naman." sabi niya sa akin. biglang may itatanong ako sa kanya nung may naalala ako.

"nga pala.. mace, si yvonne.. nasa mental hospital na talaga?" tanong ko sa kanya.

huminga lang naman siya ng malalim at napatango siya, "oo nga kasi, ayaw mo pang maniwala sa akin. nabaliw na talaga siya ng tuluyan. kung nakita mo lang kung paano siya nababaliw." sabi niya. mukhang ayaw ko lang maniwala.

"kung ganon, sayang yung sarili niya." sabi ko sa kanya at huminga ako ng malalim, "naaawa ako kay yvonne kahit nakakagalit siya."

"huh, same lang. kung hindi lang sana siya tanga at kung matalino lang sana siya.. hindi siya magkakaganyan." sabi ni mace, "i hope she can survive." she added.

ningitian ko siya, "sana nga eh. may pag-asa pa naman na magbago siya at matauhan siya." sabi ko sa kanya.

"by the way, di'ba sabi mo sa akin kanina, pupunta yung parents ni yesha sa hospital? so nung pumunta sila at nung nakita nila si yesha, kamusta sila? okay lang ba sa kanila?" Winter.

"nung nakita nila si yesha na nakahiga sa kama na walang malay at maraming pasa, syempre.. nagulat at nasaktan sila nung nakita nila na ganon yung kondisyon ng anak nila. grabe pa nga yung iyak nila kasi.. mukhang ayaw nilang maniwala na nangyari yun kay yesha." kwento ko sa kanya.

"tsaka kinausap din ni jax yung mga parents ni yesha. nagulat ako dahil sinabi niya lahat-lahat sa parents ni yesha.. yung totoo. yung about sa panloloko at kay yvonne pa. sinisisi niya pa nga ang sarili niya sa nangyari. humihingi pa siya ng tawad kanina at.. lumuhod pa siya sa harapan ng parents ni yesha." dagdag ko at nabigla naman doon si mace.

"loh? totoo ba yan? ang lakas naman ng loob ni jax na sabihin yun sa.. parents mismo ni yesha. kung ako yun, matagal ko pa maaamin yung lahat-lahat. nakakapressure kaya nun." sabi niya. "eh ano na kaagad nangyari?" tanong niya sa akin.

"yun.. nabigla yung parents ni yesha sa ginawa niya. agad nga nila pinatayo nung lumuhod siya. tapos ayun.. kinausap nila si jax na naiintindihan naman nila yung lahat. at ang importante, minamahal niya din si yesha. at tsaka, sabi nila.. hindi naman kasalanan ni jax na nangyari yan kay yesha ngayon." kwento ko ulit at huminga ako ng malalim, "kita mo? ang bait ng mga parents ni yesha."

"oo nga eh, mabuti nalang yun. kesa sa maunahan sila ng galit eh baka may magaganap pa na iwasan." sabi ni mace. "tsaka.. wag lang tayong sumuko at mawalan ng pag-asa. ramdam kong.. malapit na gigising si yesha."

ngumiti ako, "totoo. yan din yung sabi nila kanina. sana paggising ni yesha, wala ng mangyayari na gulo.. at maayos na ang lahat. lalo na silang dalawa ni jax, yung pinapaligiran na sila ng kasayahan palagi." sabi ko at ningitian lang naman ako ni mace.

tsaka sana paggising ni yesha, sana maintindihan niya si jaxvier. kung naaalala niyo, iniiwasan ni yesha si jax. galit siya ng dahil nga sa nakita niya noon sa locker room na naghahalikan silang dalawa ni yvonne, na akala niya talaga.. niloloko siya ulit ni jax. sana nga.. maniwala pa siya kay jax at magpansinan na sila ulit.

innocent | nininiNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ