➳ inncnt_32

67 5 0
                                    

yesha's pov

"okay, break time for 10 minutes!" sigaw ng aming coach. nakahinga naman ako ng maluwag doon. finally, break time na namin.

umupo naman akong mag-isa dito sa bleachers. halos mawalan ako ng hininga sa training namin for volleyball. buong araw kasi training nalang yung inaatupag namin. excused din kaming lahat na volleyball players sa lahat ng subject namin. buti nalang nga lumipat kami dito sa gym. hindi pa mainit.

pero kahit na, sobra pa din yung pawis ko. ganito talaga pag athlete student ka, laging pagod sa training. hehehe.

napatingin muna ako dito sa paligid. pero napabugtong hininga nalang ako nung hindi ko nahanap yung hinahanap ko. akala ko kasi pupuntahan niya ako dito.

sino pa ba? e'di yung boyfriend ko. si jax.

pero naiintidihan ko naman siya. alam ko naman may ginagawa din siya sa kanilang room, nag-aaral.. kaya hindi niya ako mapuntahan dito.

kinuha ko nalang muna yung phone ko para i-chat siya. pero napabusangot naman ako nung nakita kong on mobile naman siya.

-

jaxvier parkactive now

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

jaxvier park
active now

yesha:
hi babe? break time na namin! :)

yesha:
sana okay ka lang diyan hehe

yesha:
aral ka mabuti haaaa?? :D

yesha:
i miss you and i love you! ♡

-

nag-chat nalang ako sa kanya. yes, on mobile siya. pero baka ma-seen niya naman eh. alam ko namang nagrereply yun sa akin. kahit late niyang nababasa yung mga replies ko.

"yesha?" dinig kong may tumawag sa akin.

napaharap naman ako sa kanya, tsaka napangiti naman ako kaagad nung nakita ko siya. si sebastian lang naman pala.

"uy! hi sebee." bati kong nakangiti sa kanya at ningitian niya lang naman ako.

tumabi siya sa akin at tinignan niya ako, "kamusta naman training?"

natawa naman ako, "eto, obviously.. pagod. pero kakayanin. para sa pangalan ng school natin 'to eh." sagot ko naman sa kanya.

"halata nga. pero good luck sa team niyo, yesha. kaya niyo yan. kayo pa." nakangiting sambit sa'kin ni sebee. ang cute niya talaga.

"thank you, sebee."

"hindi ka ba pinupuntahan ni.. jax dito?" biglang tanong niya sa akin.

"hmm, hindi eh. alam ko naman busy yun lagi dito sa school. hayaan mo, naiintidihan ko naman yun." natatawang sagot.

napatango naman siya, "ganun naman talaga. may perfect timing din para sa inyong dalawa." nakangiting sambit niya sa akin, "break time niyo pala?"

tumango naman ako, "yes. maya-maya, yun.. training naman. alam mo naman pag athlete." sagot ko sa kanya.

"ganun ba." sambit niya at tumayo na siya agad. "mauna na ako sa'yo. kinamusta lang naman kita. good luck ha?"

grabe. Ang bait-bait talaga na kaibigan ni sebastian.

"thank you. ingat ka ha?"

he smiled to me, "ikaw, mag-ingat ka din." bilin niya sa akin at tumango lang naman ako sa kanya. tsaka nakita kong tinalikuran niya na ako. pero maya-maya, tumigil siya at humarap siya sa akin.

"bakit?" tanong ko sa kanya.

"ano.. pag may kailangan kang.. notes at mga assignments, chat mo lang ako." natatawang sambit niya sa akin. nakakatuwa naman siya.

tumango ako habang natatawa, "sure!"

"sige, bye na yesha." paalam niya at nakita kong tumalikod na siya sa akin. tsaka patuloy niya na siyang lumayo sa akin.

tinignan ko naman ulit yung phone ko kung may reply ba si jax sa akin. pero.. wala talaga. siguro, busy lang yun.

innocent | nininiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon